I-FLEX
ni Jun Nardo
ANG baguhang si John Arcenas pala ang napiling gumanap sa biopic ng yumaong singer na si April Boy Regino titled Idol.
Lumabas sa social media na si John ang napili. Nabasa namin ang tungkol dito sa FaceBook ng manager niyang si Tyrone Escalante.
Hopeful ang producers ng movie na mapili sa five remaining slots para sa 2024 Metro Manila Film Festival na kahapon ang announcement. Sad to say hindi sila nakasama.