MATABIL
ni John Fontanilla
SUPORTADO ni Edgar Allan Guzman ang GF na si Shaira Diaz, sa pagiging ambassador ng Belle Dolls by Beautederm (Stemcell Juice Drink—Strawberry Lychee Iced Tea; Chocolate Drink—Dark Chocolate; Vitamin C Capsule, Pure Glutathione Capsule, Collagen Juice Drink—Kiwi, Avocado, Cucumber, at Healthy Coffee—Caramel Macchiato Original Blend ni Ms. Rhea Anicoche-Tan.
Present si EA, na isa ring ambassador ng Beautederm, sa launching along with other Beautederm ambassadors na sina Ms Slyvia Sanchez, Ms Lorna Tolentino, Kitkat, Alma Concepcion atbp. na ginanap sa Novotel Araneta Center Quezon City.
Ayon kay EA, masaya siya na kasama na niya sa pamilya ng Beautederm si Shaira kaya naman very thankful siya kay Ms Rei.
Maging si Shaira ay labis-labis ang pasasalamat kay Ms Rei sa tiwalang ibinigay sa kanya para maging part ng Beautederm Family (Belle Dolls). Habang touch na touch naman at kinilig si Shaira sa suporta ng kanyang BF at sinabi nga nito na abangan ng publiko ang baby nila ni EA na ang tinutukoy ay ang kauna-unahang negosyong bubuksan nilang dalawa.
Bukod kay Shaira kasama nito bilang Belle Dolls ambassadors ang mga kapwa Kapuso at Sparkle na sina Miguel Tanfelix, Sofia Pablo, at Ysabel Ortega.