Wednesday , October 23 2024
Dead Rape

Sa sementeryo sa Carcar, Cebu
LABI NG BABAE NILAPASTANGAN

NANANAWAGAN ng hustisya ang isang pamilya sa lungsod ng Carcar, sa lalawigan ng Cebu, matapos matagpuang nilapastangan ang labi ng kanilang 22-anyos na kaanak sa isang pampublikong sementeryo, nitong Linggo, 20 Oktubre.

Hindi makapaniwala ang pamilya nang madiskubreng tinanggal mula sa nitso ang kabaong na kinalalagyan ng kanilang kaanak na si Angel (hindi totong pangalan).

Nabatid na nanganak si Angel sa isang pagamutan sa lungsod ng Cebu noong 11 Setyembre at dinala sa Intensive Care Unit dahil sa paglala ng kondisyon dulot ng eclampsia hanggang siya ay pumanaw noong 9 Oktubre.

Inilibing ang kaniyang labi noong 19 Oktubre ngunit natagpuan ng isang sepulturero kamakalawa ng umaga na tinanggal mula sa nitso ang kabaong ng biktima.

Nang magtungo ang mga kaanak ni Angel at buksan ang kabaong, nakita nilang wala nang saplot ang biktima at kita ang maseselang bahagi ng kaniyang katawan.

Agad isinumbong ng pamilya ang insidente sa pulisya na siyang kumuha ng mga swab sample mula sa katawan ni Angel upang sumailalim sa pagsusuri upang matukoy kung ito ay ginahasa.

Ayon kay Artemio Laputan, ang sepultero, isa siya sa tumulong na ilibing ang labi ni Angel, at ito ang unang pagkakataon sa loob ng 30 taon niyang pagiging sepulturero, na may naganap na ganitong insidente.

Naniniwala umano siya na dalawang tao ang nasa likod ng paglaspatangan sa labi ng biktima.

Aniya, alam ng mga sangkot na indibiduwal kung saan niya itinatago ang kaniyang mga kagamitan sa paglilibing.

Samantala, nauna nang pinasinungalingan ng tauhan ni Laputan na kinilalang si alyas Clinton, ang kaugnayan sa krimen.

Aniya, nagtungo siya sa lungsod ng Cebu ilang oras matapos mailibing ang labi ni Angel.

Ayon kay P/Lt. Col. Bryan O’Neil Salvacion, hepe ng Carcar CPS, mayroon nang mga indibiduwal na itinuturing nilang mga person of interest ngunit tumangging magbigay ng detalye.

Ani Salvacion, kung mapatutunayang ginahasa ang labi ni Angel, sasampahan ang mga suspek ng kasong necrophilia na may parusang habambuhay na pagkabilanggo. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

PNP PRO3

Organized crime group nalansag 4 miyembro timbog sa PRO3

MATAPOS maglabas ng marching order si Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Juanito …

dead gun

Sa Batangas
SCRAP TRADER PINAGBABARIL  SA BAHAY NG KAPATID, PATAY

HINDI umabot nang buhay sa ospital ang isang scrap trader na biktima ng pamamaril ng …

Bomb Threat Scare

Klase sa 2 unibersidad sa Cebu City naantala sa socmed bomb threats

NAANTALA ang mga klase sa dalawang unibersidad sa lungsod ng Cebu dahil sa mga bomb …

VM April Aguilar, Alelee Aguilar nanguna sa health and wellness caravan sa Ilaya, Las Piñas City

VM April Aguilar, Alelee Aguilar nanguna sa health and wellness caravan sa Ilaya, Las Piñas City

PINANGUNAHAN ni City Vice Mayor April Aguilar, kasama si Alelee Aguilar, ang Health and Wellness …

Paombong Bulacan

Oplan Katok inilatag sa Bulacan baril, bala isinuko ng negosyante

ISANG house-to-house visitation operation ang isinagawa ng mga tauhan ng pulisya sa Bulacan o Oplan …