Friday , June 5 2026
Lito Lapid

Lito Lapid adopted son ng Iriga City

HINDI kataka-takang malapit sa puso ni Sen. Lito Lapid ang mga Bikolano. Ang dahilan? Inalagaan at pinalaki pala siya ng isang Bikolano, ang kanyang step dad.  

Sa mensahe ni Sen. Lito sa AKAP payout sa Iriga City noong  October 16, kinilala ng senador ang kanyang step dad na si Alberto Vargas na tindero ng balut at pandesal noon.

Sa pagbabahagi ni Sen Lito, sinabi nitong nagkakilala ang kanyang nanay at step dad sa isang bakery sa Pampanga.  Iyon ang nakilala niyang ama makaraang mamatay ang tunay niyang tatay na si Jose Lapid nang siya ay dalawang taon gulang pa lamang.

Itinuring silang tunay na mga anak ni tatay Alberto  kaya hindi niya makalilimutan ang pag-aaruga at pagmamahal niyon sa kanila.

Kinilalang “adopted son” si Sen Lito ng Iriga City matapos magpasa ng isang resolusyon na kumikilala sa mga naiambag at naibigay na tulong nito sa mga Irigueño.

Kaya todo pasalamat si Sen  Lapid kay Mayor Rex Oliva at City Council sa kanilang inisyatiba at pag-adopt sa kanya bilang anak ng Iriga.  (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …