Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alexa Ilacad Ryrie Sophia Kim Ji-soo Mujigae Randolph Longjas

Alexa inalalayan ni direk Randolph kung paano magpaka-nanay

RATED R
ni Rommel Gonzales

UNANG beses na gumanap si Alexa Ilacad sa papel na malapit sa pagiging isang ina.

Ito ay sa pelikulang Mujigae na gumaganap siya bilang si Sunny, guardian ng batang si Mujigae played by Ryrie Sophia.

Lahad ni Alexa, “I think it is my first, coz I’ve done a little more mature roles, like sa ugali-wise mature but ngayon lang po ‘yung sort of mother/guardian type.

“My preparation? Well, ang una po kasi ‘yung character ni Sunny ayaw talaga niya sa responsibilidad ng pag-aalaga ng isang bata, masungit, mainit ang ulo palagi, medyo nakare-relate naman po ako roon ng slight,” at tumawa si Alexa. “Hindi joke lang.

“Pero it wasn’t that hard for me rin naman po to prepare, kasi as the days would go by, mas napapalapit din ako kay Ryrie, so the relationship, how it grew, how we bonded, it was very natural, and it just really happened.

“And sobrang ginuide lang din ako ni direk na ‘yung maibigay ko ‘yung natural lang, ‘yung normal lang.

“Kasi overthinker po ako ng slight, so roon ako tinulungan ni direk, na maibigay ko ‘yung best ko and hopefully lumabas siya and hopefully iyon din po ‘yung makita ng mga tao kapag nanood sila.”

Ipapalabas ngayong October 9 sa mga SM cinema, ang Mujigae ay idinirehe ni Randolph Longjas at sa panulat ni Mark Raywin Tome.

Nasa pelikula rin, na mula sa produksiyon ng UxS (Unitel x Straightshooters) at ng producer na si Madonna Tarrayo sina Rufa Mae Quinto, Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariage, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala, at Peewee O’Hara.

Lead male star dito si Kim Ji-Soo, ang South Korean actor na isa sa mga bida sa hit K-drama series na Strong Girl Bong-soon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …