Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Small Basketeers Philippines (SBP) - Passerelle twin tournament muling inilunsad
LUMAGDA sa kontrata ang partnership ng Milo Philippines at Basketball Efficiency and Scientific Training (BEST) Center Sports, Inc., para sa muling paglulunsad ng Milo Philippines at BEST-SBP Passerelle Twin Tournaments. Inihandog ng Milo Philippines ang isang commemorative frame sa pamilya Jorge bilang parangal sa 35 taon ng partnership sa muling paglulunsad ng twin tournament sa The City Club Alphaland, Makati City nitong Biyernes, 20 Setyembre 2024. Dumalo sina (mula kaliwa) Milo brand manager Audrey Azcárraga; Milo Sports head Carlo Sampan; SVP at business executive officer ng Nestlé Philippines, Veronica Cruz; executive director BEST Center Sports, Inc., Monica Jorge; vice president Veronica Jorge; at president na si Nick Jorge. (HENRY TALAN VARGAS)

Small Basketeers Philippines (SBP) – Passerelle twin tournament muling inilunsad

ANG Small Basketeers Philippines (SBP) – Passerelle twin tournament ay nagbabalik matapos ang apat na taong pagtigil.

Ang ika-35th na edisyon ng kumpetisyon na inorganisa ng Basketball Efficiency and Scientific Training (BEST) Center Sports, Inc., ay na itinatag ng yumaong Nicanor “Nic” Jorge noong 1972. Ang kumpetisyon na suportado ng Milo ay magsasagawa ng  tatlong buwang torneo na may edad ng mula 9 hanggang 11 taong gulang sa ilalim ng SBP division, at 12 hanggang 15 taong gulang sa Passerelle division, ay isasagawa  sa 11 lungsod sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Magsismula ang regional games sa Roxas City sa Oktubre 12 at magtatapos sa General Santos City sa Disyembre 27.

Ang SBP-Passerelle, na suportado ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, ay naglalayong itaas ang kasanayang pampalakasan na mahubog sa kanilang kabataan.

Ilan sa kilalang mga PBA players sa mga nagtapos ng SBP-Passerelle ay sina Kiefer at Thirdy Ravena, Jeron Teng, Kai Sotto, Kib Montalbo, at Juan at Javi Gomez De Liano. (HATAW Sports News)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers, target ang sweep; Final Four contenders umiinit sa huling salpukan

Mga laro ngayong araw (Paco Arena) 1 p.m. – VNS vs Alpha 3 p.m. – …

World Slasher Cup Ikalawang Edisyon 2026

Rehistrasyon sa World Slasher Cup – Ikalawang Edisyon 2026 nagbukas na

PORMAL nang nagbukas ng rehistrasyon ang World Slasher Cup (WSC) para sa ikalawang edisyon ng …

Raheel Bhyria

Raheel Bhyria 1 taon pa bago tuluyang gumaling sa aksidente sa basketball

RATED Rni Rommel Gonzales NASA maayos na kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling na si Raheel Bhyria nang maaksidente …

Alesandrea Carpio PSA Forum PSC

Filipinas, Tutok sa Teamwork para sa World Cup

IPINAHAYAG ni Filipinas forward Alesandrea Carpio na iisa lamang ang pinakamabisang paraan upang makapaghanda ang …

PSC POC Philippine Sports Hall of Fame GAB

Mga bagong alamat, magniningning sa Philippine Sports Hall of Fame

ANG prestihiyosong Philippine Sports Hall of Fame ay tatanggap ng ikalimang pangkat ng mga inductee …