Saturday , November 23 2024
Tutop Romm Burlat

Direk Romm Burlat, mapansin na kaya ngayon sa Ani Ng Dangal awards?

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TULOY-TULOY sa paggawa ng projects ang award-winning director na si Romm Burlat.

Ang latest niya ay ang pelikulang Manang, isang advocacy movie na  tinampukan nina Julio Diaz, Sabrina M, Janice Jurado, at Ms. Tess Tolentino, na siyang producer din ng pelikula. 

Nalaman naman namin kay direk Romm na pinaghahandaan na niya ang kasunod nito, titled Pira-Pirasong Pangarap.

Inusisa namin si Direk Romm kung sino-sino ang plano niyang maging bahagi ng casts ng bago niyang pelikulang ito?

Pahayag niya, “Si Gabby Concepcion pa rin ang gusto kong maging lead dito. If he is not available, perhaps Jay Manalo or Raymond Bagatsing for the lead role. Magiging part din ng movie sina Lovely Rivero, Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Kelvin Miranda, Julio Diaz, Jhane Santiaguel, at Jethro Ramirez.”

Anyway, matatandaang last year lang ay nanalo si Direk Romm bilang Best Supporting Actor sa prestihiyosong Five Continents International Film Festival sa Venezuela. Ito ay  para sa pelikulang Tutop (Covered Candor).

Dahil kaya rito, mapansin na ngayon sa Ani Ng Dangal awards ang prolific director-actor?

Ang Ani Ng Dangal ay mula sa NCCA (National Commission for Culture and the Arts), na taunang nagbibigay pagkilala sa mga artist na nanalo ng award sa international film festivals.

Gaano ba kahalaga sa kanya na ma-recognize ng NCCA?

Esplika ni Direk Romm, “For me it’s an ultimate recognition kasi galing sa NCCA and ito ay supported by Malacanang.”

Ang Tutop ay prodyus at pinagbidahan ni Direk Romm. Ang pelikula ay tinatampukan din nina Ron Macapagal, Faye Tangonan, Angelo Tiongco, at iba pa.

Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Marvin Gabas at produced ng ROMMantic Entertainment Productions.

Maliban kay Direk Romm, wagi rin sa Five Continents International Film Festival ang pelikulang Tutop ng Best Thriller Feature Film, Special Mention – Best Screenplay si Direk Marvin Gabas, Best Art Direction para kay Direk Marvin ulit, Best Lightning for Vince Bustos, at Special Mention Sound Design na napanalunan din ni Marvin.

Ayon pa kay Direk Romm, ang Tutop ay istorya ng isang kakaibang tatay na pumapatay ng mga masasamang elemento ng lipunan para ipakain sa cannibalistic niyang anak, para mabuhay ito.

Kuwento niya, “Ito ay isang suspense thriller-drama-horror movie…

“Actually, hindi lang ito horror movie, kundi isang family drama sa isang hindi pangkaraniwang pamilya. Hindi ka lang matatakot sa pelikula, kundi maiiyak ka sa sinapit ng pamilyang ito.”

Dagdag pa ni Direk Romm, “Ako iyong tatay na pumapatay ng mga masasamang tao rito. Ako iyong lead sa movie, si Ron ay second lead, bale alalay ko siya rito. Si Ron iyong sinto-sinto na naka-witness sa crime na ginawa ko. Kapatid siya ni Faye, na gumaganap bilang isang prosti sa pelikulang ito.”

Nagsimulang maging cannibal ang anak niya rito dahil sa isang insidenteng nangyari, na talagang kaabang-abang sa mga manonood.

-30-

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …