MA at PA
ni Rommel Placente
HANGA kami kay Aiko Melendez. Kahit malungkot, dahil inanod ng baha ang kotse ng anak niyang si Andrei at na-trap ang bahay at naubos ang gamit ng ilan sa kanyang staff sa Team AM, dahil sa bagyong Carina, tuloy pa rin ang pagtulong niya sa kanyang constituents sa District 5 ng Quezon City.
Post niya sa kanyang FB account.
“Lahat po tayo ay nahaharap muli sa isang matinding pagsubok. Hindi po kayo nag-iisa. Wala sa antas ng pamumuhay ang pagsubok. Kaninang umaga po pinilit po naming habulin.
“Ang inaanod na kotse ng aking anak Andre Yllana subalit wala din po kaming nagawa kundi ang magdasal. Materyal na bagay lang ang sasakyan. Ang mahalaga ngayon ay walang masaktan at nasasaktan. Kalahati sa aking team.
“Natrap po sa kanilang mga bahay ubos ang gamit. Kaya po iilan lang po kami ang makakaikot upang maghatid ng tulong. Hindi po kami panghihinaan ng loob dahil tao muna bago ko harapin ang sariling problema po. Yan ang mga bagay na pinagbago ng aking buhay na ako ay isang public servant gusto man akapin ang anak sa lungkot nya sa kanyang sinapit meron akong mas malaking obligasyon sa aking distrito. Nakahanda na po ang aking team hindi man kumpleto pero buo ang loob sa pagtulong! Makakayanan po naten ito.”