MA at PA
ni Rommel Placente
BONGGA si Kim Chiu huh! Siya kasi ang nagwaging Outstanding Asian Star sa 2024 Seoul International Drama Awards.
Ibinandera mismo ni Chinita Princess sa kanyang Instagram ang pagkapanalo niya ng award sa ibang bansa.
Proud niyang ipinakita ang invitation letter mula sa award-giving body na sinasabing siya ang nagwagi sa nasabing kategorya.
“Thank you for your submission to Seoul International Drama Awards 2024. This invitation is sent to the winners of SDA 2024,” saad sa ipinadala ng organization committee.
“On behalf of all the judges and the organizing committee, we would like to congratulate you all on the award.”
Sa caption, ramdam na ramdam ang kasiyahan ni Kim at inamin na hindi siya makapaniwala sa matatanggap niyang pagkilala, “I got the news today! [holding back tears, folded hands emojis] I am lost for words…
“Beyond thankful, grateful, and extremely happy!!! I can’t believe this is happening,” patuloy niya.
Kasunod niya ay nagpasalamat na siya sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanya, kabilang na ang ABS-CBN, Dreamscape, at lahat ng kanyang supporters.
“I am very lucky to have you all behind and beside me. Thank you for making this possible! [crying, folded hands, trophy emoji],” mensahe niya.
Aniya pa, “My heart is full!!! [red heart emoji] MARAMING MARAMING SALAMAT PO! [folded hands emoji].”
Bandang huli ay kinompirma niya na pupunta siya sa South Korea para tanggapin ang award.
“KOREA HERE I COME! [South Korean flag, airplane emojis] Sa SOUTH HA? Hihi,” aniya pa.
Kabilang sa mga tinalo ni Kim sa listahan ang Thai stars na sina Blue Pongtiwat Tangwancharoen at Poompat Iam-samang, ang Malaysian actress na si Emily Chan, ang Singaporean award-winning actor na si Desmond Tan, at Indonesian actress na si Ochi Rosdiana.
Ang Seoul International Drama Awards 2024 Awards Ceremony ay gaganapin sa KBS Hall, Seoul, South Korea sa September 25.
Congratulations Kim!