Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA Pictures YouTube

GMA Pictures may YouTube channel na

RATED R
ni Rommel Gonzales

IBANG level na ang panonood ng mga pelikulang Pinoy dahil ipinakilala na ng GMA Pictures ang official YouTube channel nito – www.youtube.com/@GMAPictures – ngayong Hulyo.

Tiyak na mae-enjoy ng viewers ngayong buwan ang high-quality at well-loved films na gawa ng GMA Pictures, katulad ng The Road, Mulawin the Movie, Just One Summer, My Kontrabida Girl, I will Always Love You, at marami pang iba.

Kasama rin sa mapapanood dito ang Ang Panday, Dance of the Steel Bars, I.T.A.L.Y., In Your Eyes, My Lady Boss, The Promise, When I Met U, Tween Academy, You To Me Are Everything, Boy Pick-Up The Movie, Patient X, at Temptation Island. 

Bukod pa sa Kapuso films, mahigit 300 pelikula pa ang inaasahang magiging available sa GMA Pictures YT channel, mula sa iba’t ibang genre tulad ng action, drama, comedy, romance, adventure, suspense, at historical movies.

Dahil sa paggawa ng mga high-quality at culturally relevant na pelikula, naging prominente ang GMA Pictures sa Philippine cinema landscape at umani ng papuri mula sa mga lokal at internasyonal na manonood.

Kabilang na rito ang Philippine Centennial offering ng GMA Films, ang highly successful na Jose Rizalna ipinalabas noong 1998. Sinundan pa ito ng Muro Ami noong 1999.

Noong 2023, muling ipinamalas ng GMA Pictures  sa moviegoers ang paggawa ng mga fresh at edgy titles tulad ng The Cheating Game, Video City (co-produced kasama ang Viva Films), at Five Breakups and a Romance (co-produced kasama ang Cornerstone Studios at Myriad). Sa taon ding ito mas lalong pinagtibay ng GMA Pictures ang kanilang comeback sa pamamagitan ng Firefly na nanalo ng back-to-back Best Picture awards sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at Manila International Film Festival sa Los Angeles.

Ngayong taon naman, inilunsad nito ang latest collaboration kasama ang Viva Films, ang suspense-thriller na Playtime

Kabilang din ang GMA Pictures sa 2024 Cinemalaya Independent Film Festival. Mapapanood sa Cinemalaya ang full-length film entry na Balota mula sa GMA Pictures at GMA Entertainment Group.Ang kauna-unahang investigative docu-film ng GMA Public Affairs na Lost Sabungeros ay magiging bahagi rin ng film festival. 

Magkakaroon din ng special screening para sa Firefly digitally-restored na Jose Rizal, at highly acclaimed documentaries ng GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …