Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola Rico Yan

Jessy Mendiola tinuligsa puntod ni Rico Yan ginawang tourist spot  

MA at PA
ni Rommel Placente

TILA hindi nagustuhan ni Jessy Mendiola ang ginagawang paggamit ng ilang netizens sa yumaong aktor na si Rico Yan bilang content sa social media.

Kamakailan kasi ay nagte-trending sa social media ang video clips nang pagbisita ng ilang netizens sa puntod ng yumaong aktor sa Manila Memorial Park.

Sa kanyang Instagram Story, ini-repost nI Jessy ang isang social media post tungkol sa trend sa social media tungkol sa “pag-alala” sa namayapang aktor na si Rico, na marami sa mga Pinoy ang dumadalaw sa puntod nito, at tila ginawa na itong “tourist spot.”

Saad ni Jessy, hindi maganda ang nauusong trend dahil nagpapakita ito ng kawalan ng respeto sa yumaong aktor pati na rin sa pamilya nito.

Wala na ba magawang matino ang mga social media addicts? Konting respeto naman sa namayapa na at pati na rin sa pamilya ng yumaong. Susme.

“Lahat nalang ba para sa likes, followers and views? Nakalimutan na yata ng mga tao ang salitang ‘respeto’. Wala nang decency,” diretsahang sabi ni Jessy.

Hanggang ngayon ay sunod-sunod pa rin ang pagpo-post ng mga netizen ng larawan na kuha mula sa puntod ni Rico na tila ginagawa itong tourist spot.

Mahigit dalawang dekada nang patay si Rico. Binawian ito ng buhay noong Good Friday, March 29, 2002 habang nagbabakasyon ito sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …