I-FLEX
ni Jun Nardo
AYAW munang ipapanood ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes ang rushes ng Cinemalaya movie niyang Balota.
“Gusto ko, raw niya itong mapanood. Lagi niya ako binibilinan na kapag delikado ang eksena, huwag kong gawin.
“Eh first time kong gagawa ng ganitong role. Hindi ko mapigilan ang sarili na suwayin siya. Galos at bugbog kung umuuwi ako minsan.
“Eh, madali namang gawan ng paraan ang mga galos. Pero ‘yung mensahe ipararating ng movie, eh pangmatagalan,” sabi ni Marian sa interview namin sa kanya sa Marites University channel sa FB at YT na mapapanood ngayong araw.
Kaya ‘yung fans ni Marian na nagtatanong, abangan ninyo ito dahil masayang kausap ang All Time Boxoffice Queen!