Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Grace Teresing Carmelite

Vilma puring-puring ang stage play na Grace

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ALL praises  si Vilma Santos sa pinanood niyang stage play na GRACE

Ito nga ‘yung kuwento tungkol sa 1948 apparition sa Lipa, Batangas na rito nagsimula ang bokasyon ni Sister Teresita “Teresing” Castillo, ang kauna-unahang Pinay Carmelite noon sa bansa.

Nakasama ni Ate Vi noong Mayor pa siya ng Lipa, sa maraming okasyon ang madre hanggang sa namayapa ito. 

Puring-puri si Ate Vi sa ganda at husay ng mga gumanap sa play na isinulat pa ng yumaong si direk Floy Quintos.

Matagal nang hindi nakakapanood ng stage play si ate Vi at hindi nga nito pinagsisisihan ang makabuluhang staging ng Grace, na tinampukan ng mahuhusay sa teatro gaya nina Stella Cañete-Mendoza, Shamaine Centenera-Buencamino, Frances Makil-Ignacio, Missy Maramara, Matel Patayon, Leo Rialp, Dennis Marasigan, Nelsito Gomez, Jojo Cayabyab, at Raphne Catorce.

May planong isapelikula ang buhay ni Sister Teresing at excited si Ate Vi na magawa ito.

Bongga, oh mga kapwa Vilmates, mukhang dumarami na ang mga nakalinyang movie projects for ate Vi huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …