Friday , November 22 2024
prison rape

No. 8 most wanted ng Vale
RAPIST TIMBOG

ARESTADO ang isang lalaki na ika-walo sa talaan ng most wanted persons (MWPs) sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Valenzuela City police chief P/Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas Pedro.

Bumuo ng team ang WSS saka ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong 3:30 pm sa Mc Arthur Highway, cor  Agustin St, Brgy. Malinta.

Ang akusado ay dinakip ng mga tauhan ng WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Mateo Altarejos ng Regional Trial Court Branch 172, Valenzuela City noong 9 Mayo 2024, para sa kasong  Rape under Art. 266-A, par. (1)(A) of the RPC (2 Counts).

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …