Thursday , June 4 2026
Boss Toyo Niño Muhlach 

Nino ibinenta FAMAS  trophy ng P500K 

MA at PA
ni Rommel Placente

KUNG si Jiro Manio ay ibinenta kay Boss Toyo ang Urian Best Actor trophy para sa  pelikula niya noong bata pa siya na Magnifico, ang dati ring child star na si Nino Muhlach ay ibinenta ang kanyang FAMAS Best Child Actor trophy.  O ‘di ba, nagawang ibenta ng dalawang dating child actors ang kanila-kanilang acting trophies.

Pero ayon kay Boss Toyo, siya mismo ang kumontak kay Nino at nagtanong kung puwede ba niyang mabili ang isa sa mga trophy nito. 

Kung mayroon kasi siyang gustong makuha at mai-display sa kanyang museum na FAMAS best child actor award ay nais niyang mula kay Nino. 

“Ang hirap presyuhan ng isang Niño Muhlach… priceless eh,” aniya. 

Ang unang offer ni Boss Toyo ay P100,000 kay Nino para sa trophy na natanggap nito noong 1977. Pero isa sa mga kasamang anak ni Nino ang humiling ng P500,000 at pumayag naman ang may-ari ng Pinoy Pawnstar. 

Ani Nino, nag-decide siyang ipaubaya kay Boss Toyo ang isa sa mga FAMAS trophy niya sa kondisyong i-restore at alagaan iyon. 

“Kailangan alagaan niya at i-restore, at ilagay sa museum niya dahil hindi ko na naalagaan… ‘Yun ang deal namin,” wika ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …