Friday , November 15 2024
Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian parliamentarians na mapaigting ang pagiging strategic partners ng Filipinas at ng Commonwealth of Australia.

Ayon kay Bise Gobernador Alexis Castro, partikular na prayoridad ng Australian delegation ang pagtutulungan para sa lalong pag-unlad ng lalawigan sa larangan ng edukasyon, pagpapatupad sa sustainable development goals (SDG), pamumuhay sa gitna ng climate change, housing policy, at ang urban development at mga patakarang pang-industriya.

Gayondin ang mga oportunidad kung paano matutulungan ang mga Bulakenyong street vendors, jeepney drivers, care workers, mga nasa political media, at digital campaigning.

Interesado sila na maobserbahan ang pag-unlad ng Bulacan sa larangan ng artificial intelligence sa mga serbisyo ng pamahalaan, gender equality, Philippine political history, national park at ang marine park conservation.

Ipinaliwanag ni Australian Political Exchange Council Representative Connor Costello na ang pagbisitang ng Australian parliamentarians ay bahagi ng pagpapatupad ng people-to-people linkages na nakapaloob sa ika-23 at ika-25 puntos ng Joint Declaration on Strategic Partnership ng Filipinas at ng Australia.

Pinagtibay ito sa nakaraang pagbisita sa bansa ni Australian Prime Minister Anthony Albanese bilang pagdiriwang ng ika-78 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Filipinas at Australia.

Sa edukasyon, binisita ng Australian paliamentarians ang isang Child Development Center sa Barangay Santa Cruz sa bayan ng Guiguinto, Bulacan, tumanggap kamakailan ng Gawad Edukampyon for Local Governance Award para sa municipal category dahil sa mahusay na pagpapatupad ng Early Childhood Care Development (ECCD) programs.

Bukod dito, ipinabatid sa mga Australian parliamentarians na itinanghal din na kampeon ang mga programang ECCD ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan na ipinapatupad ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Sinabi ni Guiguinto Mayor Agatha Paula Cruz na patunay itong nakatutupad ang naturang bayan at ang lalawigan sa kabuuan, sa itinatadhana ng pang-apat na SDG tungkol sa pagtatamo ng mataas na kalidad ng edukasyon.

               Kabilang ito sa nagiging batayan ng Australian Agency for International Development (AusAID) sa pagkakaloob ng mga ayuda o tulong sa isang bansa.

Para sa larangan ng industriya, isa sa mga iniaalok ng mga Bulakenyo sa mga Australian parliamentarians ang mga mangga nito. Ito’y matapos makapagluwas ng nasa 1,500 kilograms ng mga manggang Kalabaw patungong Sydney at Perth sa Australia noong Setyembre 2023.

               Isa ang mangg sa mga prutas na nabigyan ng 90% bawas sa taripa o buwis sa pagluluwas nito sa nasabing bansa sa ilalim ng Second Protocol ng Association of South East Asian Nations o ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Agreement (AANZFTA).

Kaugnay nito, bumaybay din ang mga Australian parliamentarians sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) na pinalapad, pinahaba, at modernisado simula taong 2002 sa tulong ng Australian firm na Leighton Asia Ltd. Corporation.

Pinangunahan ni Michael Pettersson, kasapi ng Legislative Assembly ng Australian Capital Territory ang pagbisita ng Australian delegation sa simbahan ng Barasoain sa lungsod ng Malolos, Bulacan. Layunin nitong mapag-aralan kung paano naitatag ng mga Filipino ang Filipinas bilang kauna-unahang Republika sa Asya.

Kasamang bumisita sina James Griffin na kasapi ng New South Wales Legislative Assembly, Paul Mills na advisor sa Office of the Premier of New South Wales at si Elysse Halliday na media advisor sa Office of Senator Jane Hume. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …