MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang ma-guilty ni Leandro Baldemor sa isang karanasang ‘di niya makalilimutan noong mga panahong nagho-hosto pa siya sa Japan.
Kuwento ni Lenadro sa isang interview na isang trans na may-ari ng club sa Japan ang nagbigay sa kanya ng sandamakmak na regalo, pero ‘di nito nagawang pagbigyan.
Pakiramdam ni Leandro ay nag-take advantage siya rito kaya naman ngayon ay humihingi ito ng paumanhin.
“Sa dami ng ibinigay niya sa akin, nakapagpasalamat ako in a way. Pero ‘yung mag-sorry kasi napakaraming ibinigay sa akin—relo , 200 grams na kuwintas, bracelet, suit!
“Actually, hindi ko naman siya pinilit. Siya mismo ang nag-offer. Sabi niya sa akin, ‘Kung anuman, walang kapalit ito. Basta pinuntahan kita riro.’ Ganoon kabait ‘yung tao kaya gusto kong mag-sorry.
“(Pero) hindi ko siya mahanap. Sabi ko sa mga ami-amiga niya, ‘Nasaan na si ano?’ Kasi nagpunta kami sa Shinjuku noong nakaraan, kami ng asawa ko.Tinanong ko si Mama (dati niyang manager), ‘Nasaan si Mommy?’ ‘Hindi na active.’ Hindi na raw active pero okay naman ang buhay niya,” sabi pa ni Leandro at sinabing gusto niya muling makita ito para humingi ng tawad at para magpasalamat na rin.