Monday , December 23 2024
Las Piñas City Crisis Center for Women and their Children pinasinayaan

Las Piñas City Crisis Center for Women and their Children pinasinayaan

BINUKSAN nitong Miyerkoles, 8 Mayo, ng pamahalaang lungsod ang Las Piñas City Crisis Center for Women and their Children, ang kauna-unahang women’s crisis center sa buong Metro Manila, na matatagpuan sa Aira Street, Santa Cecilia Village, Barangay Talon Dos.

Pormal na pinasinayaan ang nasabing center nina Mayor Imelda T. Aguilar at Vice Mayor April Aguilar kasama ang department heads.

Bahagi ito sa pagtugon ng lokal na pamahalaan na tulungan at ipagkaloob ang pangangailangan ng mga kababaihan at kanilang mga anak na dumanas ng karahasan, at mga pang-aabuso ng kalalakihan sa komunidad, mula sa sariling pamilya.

Sinabi ni Mayor Aguilar, pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng pamahalaang lungsod sa proyektong ito, ang nasabing crisis center ay magbibigay ng pansamantalang matutuluyan, counseling, psychosocial services, recovery, rehabilitation program, at livelihood assistance sa mga biktima.

         Idinagdag ng alcalde, ang mga komprehensibong programa at serbisyong ito ay siguradong magbibigay sa kanila ng panibagong pag-asa upang muling makapamuhay nang maayos.

Ayon kay Mayor Aguilar, ang konstruksiyon ng nasabing pasilidad ay isa sa mga pagpapahiwatig para sa pagkakamit ng Las Piñas City ng Seal of Good Local Governance na nasa ilalim ng Social Protection of the Seven Governance areas sa performance assessment tool.

Ang crisis center ng Las Piñas ay 24-hour residential care facility, mayroong 20 bed capacity na magsisilbing kalinga at proteksiyon ng kababaihang nasa edad 18 hanggang 59 anyos, biktima ng gender-based violence katulad ng pag-aabandona, pang-aabuso, pagmamaltrato, at pagsasamantala na pawang nangangailangan ng protektadong mga serbisyo para sa kanilang paghilom at pagbangon.

Sa Las Piñas City, batay sa report ng Violence against Women and their Children (VAWC) umabot sa kabuuang 1,945 kaso ng pang-aabuso ang naitala noong 2022 habang 1,887 2023 na nagpapakita na ang  karahasan ay isa sa mga isyu o problemang kinakailangang tugunan sa lungsod.

Kabilang sa mga makukuhang programa at serbisyo mula sa center ay ang treatment and rehabilitation program, group life and home care program, health and nutrition program, livelihood skills training program, social services, homelife services, health services, legal services, recreational and other cultural activities, spiritual enrichment, modular session for women, self-enhancement skills development, gender sensitivity sessions at iba pang pangangalagang serbisyo para sa mga bata.

Inihayag ni Vice Mayor April Aguilar na umiiral ang City Ordinance No.1276-15 series of 2016, ang ordinansang nagsabatas sa gender and development (GAD) code na nagpapalakas sa implementasyon ng GAD programs at iba pa nitong layunin.

Binigyang-diin ng bise alkalde na ang mga kababaihang nangangailangan ng tulong o ini-refer ng lokal na pamahalaan, non-governmental organizations (NGOs), government organizations, law enforcement at people’s organization gayondin ang mga nasagip ay sasailalim sa assessment ng mga social worker upang matukoy kung kinakailangan silang pangalagaan ng center o dalhin sa kinauukulang ahensiya.

Ang pananatili ng biktima sa crisis center ay maaaring tumagal ng anim na buwan hanggang isang taon depende sa assessment ng social worker ayon sa intervention plan.

Samantala ang operasyon ng center ay maayos na pamamahalaan ng head, supervising, at registered social workers, houseparent/caregiver, iba pang program at administrative staff.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …