Saturday , November 16 2024
Camille Villar Willie Revillame Manny Villar

Camille nananatiling kaibigan si Willie (lumipat man sa TV5)

I-FLEX
ni Jun Nardo

LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa Philippine journalists.

Bilang kongresista, isinulong ni Cong. Villar ang House Bill 6543, para bigyan ng disability, health, at hospitalization benefits sa lahat ng practicing journalists.

Mahalagang alagaan natin ang ating mamamayag lalo na ‘yung naka-assign sa mga delikadong lugar. Tinataya nila ang buhay nila para makapagbigay ng napapanahong balita para sa mga Filipino.

“Kaya nararapat lang na bigyan natin sila ng proteksiyon at dagdag na benepisyo para sa kanilang sakripisyo,” rason ni Cong. Villar.

Inihain din niya ang House Resolution 451 upang mag-create ng seed fund para mag-grant ng additional funding para sa local film industry.

Bukod sa pagiging public servant, si Rep. Villar ay President at CEO ng AllVaue Holdings Corporation  ng Villar Goup of Companies. Kamakailan, bahagi rin siya ng partnership ng Advance Media Broadcasting System (AMBS) at ABS CBN na maghahatid ng TV Patrol sa free channel na Channel 2 at iconic Kapamilya teleseryes na napapanood sa Jeepney TV.

Itinanggi rin ni Rep. Camille ang balitang tatakbo siya bilang senador sa 2025. “May isang term pa po ako sa Kongreso,” saad niya.

Iginiit din niyang walang issue sa kanila ng kaibigang Willie Revillame kahit pumirma ng konrata sa show niya sa TV5.

About Jun Nardo

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …