Saturday , May 18 2024
Belle Mariano Donny Pangilinan Donbelle

Belle magiging parte ng buhay si Caroline

MA at PA
ni Rommel Placente

MIXED emotions ang nararamdaman ng magka-loveteam na Donny Pangilinan at Belle Mariano sa nalalapit na pagwawakas ng top-rating series nila na Can’t Buy Me Love na consistent sa pagiging isa sa most-watched show sa Netflix at iWantTFC.

Para kay Belle, magiging parte na ng buhay niya si Caroline, ang pangalan ng character niya sa CBML.

Sabi ni Belle, “Noong una si Caroline very stoic and now may puso siya. Grabe talaga ‘yung napagdaanan niya. Big help ‘yung directors and character kasi sa kanila ako humuhugot. I have been Caroline for eight months and she’s always going to be a part of me. Kaya parang kung anong pinagdaraanan niya, pinagdaraanan ko rin with her.”

Ayon naman kay Donny, hindi dapat palampasin ng manonood ang natitirang episodes ng serye dahil marami pang revelations.

Sa dinami ng pinagdaanan ng BingLing pati ng buong cast, Team Binondo at mga Tiu, grabe everything is coming together. Kahit ang daming revelations na, ang dami pa rin nating tanong kung anong mangyayari sa dulo. I’m just excited honestly as a viewer to also see what’s going to happen.”

Gabi-gabi nga ay patuloy na humahamig ng halos 200,000 concurrent views ang serye. Palagi rin tinututukan ng netizens ang mga kapana-panabik na rebelasyon sa kwento pati na ang mga nakatatawang eksena ng karakter. Labis din ang papuri na natanggap ng serye sa pagtalakay nito sa mental health. Bukod dito, mas pinalago rin nila ang turismo sa Binondo at dinarayo na rin ito ng mas naraming Filipino.

Ang Can’t Buy Me Love ay nasa ilalim ng produksiyon ng Star Creatives at idinirehe nina Direk Mae Cruz Alviar, Direk Ian Loreños, at Direk Raymund Ocampo.

Abangan ang iba pang rebelasyon sa nalalapit na pagtatapos ng Can’t Buy Me Love tuwing weekdays pagkatapos ng Linlang sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, Cinemo, TFC IPTV, at TV5. Maaari ring mapanood ang serye sa Netflix at iWantTFC.

About Rommel Placente

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …