Thursday , June 4 2026
Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with Aster Amoyo, isa sa mga inusisa ng showbiz columnist/vlogger, ay kung kumusta ang mga anak ng aktor sa isa’t sa.

Ayon kay Dennis, tanggap ng mga anak niya ang bawat isa.

Sabi ni Dennis, “maliliit pa lang sila sinabi ko na sa kanila na number one, ‘wag nilang iko-consider na half-brother, half-sister. Basta kapag ipinakilala n’uo, brother, kapag ipinakilala n’yo sister. Kasi sabi ko, sa natural na takbo ng buhay, dahil sa edad namin, siguradong mauuna kami (mamatay), kayo lang ang maiiwan,” kuwento niya.

Patuloy niya, “Kapag naiwan na kayo, kayo lang ang matitirang magkakapatid, kayo lang ang dapat magtulungan.

Ibinilin ko rin sa kanilang lahat, sabi ko sa kanila, hindi lahat kayo magiging successful sa buhay–mayroong yayaman, mayroong hindi mayaman, mayroong mahirap, kasi iba-iba ang takbo ng buhay. Ang ibinilin ko lang, kung sino ang mayaman, mas nakakaangat sa buhay, hanapin niyo ‘yung mga kapatid niyo na nangangailangan ng tulong. 

“Huwag niyong antayin na sila ang lumapit sa inyo. Alam ko ‘yung pride ng Pinoy eh. Kapag wala ka, ayaw mong lumapit doon sa mayroon.”

Para sa mga hindi aware, tatlo ang naging babae sa buhay ni Dennis. Ang mga ito ay sina Monina Gatus, Marjorie Barretto, at Linda Gorton.

Sina Julia, Claudia, at Leon Barretto ay anak niya kay Marjorie, may dalawang anak naman siya kay Monina na sina Dianne at Luis, habang kay Linda ay sina Gavin at Maddie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …