NAKAILANG boyfriends na pawang actor ang magandang aktres na nakakontrata sa isang giant TV network. Infairness to her, kahit na hindi niya nakatuluyan ang mga dating Papa ay pawang guwapo sila lalo na ‘yung singer-actor na nagkaroon talaga ng title pagdating sa pagandahang lalaki sa telebisyon. Kaso, kahit mga good looking ang mga nagiging Papa noon, ang ending ay nawawala sila sa buhay ni actress. Sabi, kasi may pagka-nagger si actress at konting kibot lang ay inaaway na agad-agad ang guy.
By the way, may isang revealing story kaming nasagap tungkol sa tinutukoy nating actress at sa naging boyfriend niyang mahusay na actor. Naging short lang ang affair ng dalawa dahil noong magcho-churvahan na sana sila ni actor ay may naamoy na foul smell si actress na nangangaling sa katawan ng partner. Hayun, dahil sa hindi ma-take na amoy ay biglang bihis raw ni actress at ikinuwento sa BFF na kapwa actress ang pagiging dugyot ni actor na mula sa showbiz clan. Ngayon, very happy na si said celebrity sa kanyang new found love.
‘Yun na gyud!
MARION AUNOR, IBIBIDA ANG SINGING SONGWRITING SKILLS SA DEBUT ALBUM
Naniniwala ang third place winner ng “Himig Handog P-POP Love Songs 2013” na si Marion Aunor na aangat siya mula sa ibang local artist dahil sa kanyang singing at songwriting skills. Positibo ang fast-rising singer-songwriter na may puwang pa ang Pinoy music industry para sa bagong tunog na hatid ng self-titled debut album niya mula sa Star Records. “Totoong mahirap umangat ngayon dahil napakaraming talented artists na halos sabay-sabay naglalabas ng magagandang albums. Pero sa palagay ko, laging may ‘room for new music’ dahil laging naghahanap ang tao ng bago, kakaiba at innovative,” pahayag ni Marion na musical influences ay sina Jason Mraz, Sara Bareilles at mga bandang The Corrs at The Cranberries. “Hindi tulad ng iba, ako mismo ang sumusulat ng kanta ko at gusto laging bigyan ng sarili kong tatak ang aking revivals,” aniya. “Madalas ang mga isinusulat ko mula sa personal experiences na siguradong maraming makare-relate. Sa album kong ito, may kantang swak pa ra sa lahat, anomang age, and hopefully, anomang nationality.” Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, tampok sa self-titled debut album ni Marion ang 12 awitin kabilang ang carrier single niyang ‘Fallen’ at ‘Do Do Do’ na kapwa isinulat ng 21-year- old singer-songwriter. Ibabahagi rin ni Marion sa album ang dalawa pa niyang original composition na “I Don’t Know (If I Should Stay or I Should Go)” at ang “Himig Handog” winning entry niyang “If You Ever Change Your Mind.” Ang track na “Sex On Legs” ay co-written ni Marion kasama si Patricia Sanico, samantala ang manager at album producer niyang si Vehnee Saturno ang katulong niya sa awiting “Take A Chance.” Tampok rin sa album ang isa pang komposisyon ni Vehnee na “Magmamahal Sa’yo.” Ini-revive ni Marion ang worldwide hit song na “Just Give Me A Reason” na orihinal na inawit nina Pink at Nate Reuss, binigyan ng bagong tunog ang timeless international hits na “Don’t Give Up On Us” at “The First Time I Loved Forever,” at ang OPM classic ballad na “Someone’s Always Saying Goodbye.” Mabibili na ngayon sa record bars sa buong bansa ang self-titled debut album ni Marion sa halagang P250 lamang. Maaari na rin ma-download ang digital tracks ng album sa iTunes, Amazon.com at MyMusicStore. com.ph. Naging matagumpay ang album launch at concert ni Marion na ginanap sa Big Shift Live Vibe Centrale sa A. Venue Mall sa Makati. At nitong Sabado lang sa ginanap na Grand Kapamilya Weekend na handog ng ABS-CBN para sa pagdiriwang ng kanilang 60 Years in the world of television sa Quezon City Memorial Circle ay naging mainit naman ang pagtanggap ng fans kay Marion na kinanta ang version niya sa “Just Give Me A Reason” ni Pink.
Lucky truck sa eat bulaga Sagot sa iba’t ibang Problema ng Dabarkads
Araw-araw ay parami nang parami ang studio audience sa Eat Bulaga. Lahat ng audience ay iisa lang ang hangad at ‘yan ay matawag ang pangalan nila sa segment ng Bulaga na “Lucky Truck” na pwede silang magwagi ng malalaking cash prizes. ‘Yung ibang nagpupunta rito sari-saring problema ang iniwan sa kanilang tahanan kabilang na ang pambayad sa renta ng bahay, bayad sa ilaw at tubig, pambayad sa tuition fee at pambaon ng mga anak, pambayad sa utang, pambili ng gamot o pampaospital sa maysakit na mga mahal sa buhay etc. Aba! Kadasalan nasasagot ang kanilang mga hiling lalo na’t taimtim ang pagdarasal nila sa itaas na swertehin sila. Natutuwa naman ang EB Dabarkads at lahat ng mga taong nasa likod ng Eat Bulaga dahil sa pamamagitan nila ay nabibigyan ng solusyon isa-isa ang iba’t ibang problema ng ating mga kababayan lalong-lalo na sa financial na bagay. Samantala, last Friday ay si Ginang Jessica ng Antipolo ang nanalo ng 26K sa Lucky Truck at ilang parte ng kanyang premyo ay pambayad niya para sa tuition fee ng mga anak.
Peter Ledesma