Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paulo Avelino Kim Chiu

Birthday celeb ni Kim may Paulo kayang dumating?

MA at PA
ni Rommel Placente

SA April 19 ay ipagdiriwang ni Kim Chiu ang kanyang ika-34 kaarawan. Inaasahan ng publiko na magkakaroon din siya ng bonggang celebration gaya ni Kathryn Bernardo na bongga ang ginawang pagdiriwang.

Katulad ni Kath, ito rin ang first birthday celebration ni Kim na single siya.

Sa kanyang latest Instagram post ay nagparamdam na nga si Kim tungkol sa kanyang nalalapit na kaarawan.

 “HELLO BIRTH MONTH!!!🎂♉️ please be kind to me!🩷😇🙏🏻” sey ng aktres.

Sa comment section ay kinantyawan siya ng kanyang BFF na si Angelica Panganiban.

 “Balita ko bongga party mo 😂,” sey ni Angelica.

Sagot naman ni  Kim, “@iamangelicap bwahahahhahaha 😂😂😂 malalaman!!!!😂😂😂 hahahha.”

Kaya naman ngayon pa lang ay inaabangan na ng lahat ang birthday celebration ni Kim at kung kakabugin ba niya ang selebrasyon ni Kathryn.

At kung may Alden Richards na dumating sa kaarawan ni Kath, inaasahan ng mga tagahanga nina Kim at Paulo Avelino, ang KimPao, ang pagdalo ng aktor sa party ni Kim, if ever.

Well, sigurado naman kami na darating si Paulo kung may celebration nga si Kim sa kanyang nalalapit na kaarawan. Alam naman namin kasi, kung gaano ka-espesyal si Kim kay Paulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …