Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Coco Martin John Estrada Cherry Pie Picache

Studio ni Willie sa TV5 inaayos; Coco, Cherry Pie, John nag-Holyweek sa Mindoro

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TULOY na tuloy na ang show ni Willie Revillame sa TV5. Kung anong oras, iyon ang inaayos pa at pinag-uusapan. 

Ayon sa isa sa malapit na kaibigan ni Willie, bukod sa oras, inaayos din ang studio na pagtatanghalan ng programa ng aktor/TV host. Hindi naman makompirma ng aming kausap kung sa Abril 6 nga ang pilot episode ng show ni Willie na unang nabalita bilang pantapat sa paglipat at pagpapalabas ng It’s Showtime sa GMA.

Basta ang kompirmado, tuloy na tuloy na at muling mapapanood si Willie sa TV5. Tiyak na marami ang matutuwa kapag nagsimula na ang pag-ere ng show ni Willie dahil marami sa mga netizen ang nagtatanong kung kailan nila mapapanood ang host.

Sa totoo lang, napakaraming netizens ang nagtatanong sa kanya kung kailan muli nilang matutunghayan si Willie sa TV. Tulad ng mga nangungulit sa kanya habang nasa Puerto Galera siya na sadyang dumadaan sa kanyang resort para lang makita at makausap siya.

Kaya ito na ang sagot sa mga netizens na nakaka-miss sa kanya, ang show sa TV5.

Samantala, sobrang nalibang at natuwa naman ang grupo nina Coco Martin, John Estrada, at Cherry Pie Picache dahil sa resort ni Willie sa Puerto Galera sila nag-stay noong mahal na araw.

Nag-stay simula Holy Wed hanggang Good Friday sina Coco at Cherry Pie. Samantalang Sabado naman umuwi sina John at family nito.

Iniikot sila ni Wille sa mga isla ng Mindoro kaya super n-ag enjoy sila bukod sa napakagara at bagong resort ni Willie sa Puerto Galera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …