Wednesday , April 9 2025
Kim Molina Jerald Napoles

Basher ni Jerald nakatikim ng talak kay Kim: What a sad life you have

MA at PA
ni Rommel Placente

GALIT na galit ang komedyanang si Kim Molina sa pambabastos ng isang netizen sa kanya, lalo na sa dyowa niyang si Jerald Napoles

Sa isang Facebook post, ibinandera ni Kim ang screenshot ng pagtalak niya sa bastos na basher.

“Na ** na po ba kayo ng jowa mong mukhang kargador?” tanong ng netizen.

Hindi nakapagpigil si Kim na sinagot ang netizen.

“Una sa lahat, BASTOS KA,” sagot ni Kim sa basher.

Patuloy niya, “Alam kong fake account ‘yan na malamang ginagamit mo lang para mambash at makapag-comment dahil hindi mo kayang gawin gamit ang totoong pangalan mo. Takot ka rin kasi kaya nagtatago ka dyan. What a sad life you have.” 

Inamin din ng komedyana na totoong naging kargador noon ang dyowang aktor bago maging isang artista.

“YES. Isa yun sa mga trabahong pinasok niya nung hindi pa siya nag-aartista, bago pa mag-teatro,”pagbubunyag ni Kim.

Kuwento pa niya, “Nag-extra sa pagiging kargador ng mga tela sa divisoria. Isang marangal na trabaho pandagdag kita sa araw-araw.”

“Proud ako sa lahat ng pinagdaanan ni Je kaya hindi ko gets bakit may halong mali ang pag-associate ng term na ‘yan sa iba. Nothing’s even wrong with it so…” ani pa niya.

Sa caption naman niya sa FB post, sinabi ng aktres na maliban sa pamba-bash, nais niyang linawin na hindi dapat ikinahihiya ang mga trabaho na tulad ng pagiging kargador. 

“Ano ba problema niyo sa pagiging ‘kargador’ eh sa totoo lang, people who do hands-on labor work are people we should acknowledge sa hirap ng ginagawa nila araw-araw. Hindi ito dapat ikahiya. 

“Kung wala sila, sige, ikaw magbuhat ng sarili mong box na sandamakmak, ikaw maghalo ng sarili mong semento, ikaw magtapon ng sarili mong truck ng basura, ikaw magpukpok ng sarili mong kabinet at ikaw bumuo ng sarili mong bahay o building gamit ang sarili mong kamay.”

About Rommel Placente

Check Also

Sparkle GMA Artist Center Republic Asia iAcademy The Republic of Influence A New Era of Storytelling

Sparkle GMA Artist Center kaisa ng Republic Asia at iAcademy para sa digital transformation

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYA ang Sparkle GMA Artist Center na ianusiyo ang kanilang bagong partnership kasama …

Michelle Dee

Michelle Dee nagsilbing inspirasyon sa Bahay ni Kuya

RATED Rni Rommel Gonzales INSPIRASYON ang dala ni Kapuso Beauty Queen Actress Michelle Dee sa mga housemate …

Mga Batang Riles patuloy ang laban at tagumpay gabi-gabi

RATED Rni Rommel Gonzales PAINIT nang painit ang pagtanggap sa Mga Batang Riles matapos makakuha ng 9.3 …

Alden Richards Lights Camera Run

Alden may fitness advice para sa fans

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY na nagiging inspirasyon sa marami ang Asia’s Multimedia Star na …

Jerald Napoles Kim Molina Un-Ex You

Kim ‘di maitago kinikilig kapag kaeksena si Jerald

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Kim Molina na kinikilig pa rin siya kapag kaeksena o kasama …