Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
CC6 tumugon sa panawagang tulong sa mga kababayan sa Davao del Norte

CC6 tumugon sa panawagang tulong sa mga kababayan sa Davao del Norte

LAYUNIN ng CC6 Online Casino ang makapagbigay-tulong sa ating komunidad lalo na sa mga nangangailangan. Kaya naman kamakailan, nagpadala sila ng tulong sa mga nakaranas ng matinding unos at kalamidad at malaking pagbaha sa Davao Del Norte.

Ang CC6 Helping the Community ay bukas palad para sa lahat para matulungan ang iba nating mga kababayan.

Katulong sa pagbibigay-tulong ang ipinakilala kamakailan ng CC6 Online Casino  Ambassador na si Rhen Escaño ng Viva Artist. Tulad ng sinabi ni Rhen nang ilunsad siya bilang ambassador, swak ang mga proyektong pagtulong ng CC6 Online Casino.  

Ngayong buwan ng Pebrero ang ika-tatlong taong anibersaryo ng CC6 Online Casino kaya mamimigay sila ng mahigit P10-Billion funding anniversary sa lahat ng players, members, at sa ating komunidad.

Kaya sa mga taga-Davao Del Norte na maraming mamamayan ang nawalan ng kabuhayan at apektado agad rumesponde ang grupo ng CC6 at JAF Digital para magbigay ng tulong sa pangunguna ng Marketing and PR Partner ng CC6 Online Casino na si Ms. Jev A. Frago na nanggagaling pa sa Manila at pumunta ng Davao Del Norte para mamahagi ng tulong. 

Kasama ang military volunteer na si Miriam Oligario, LGU ng Asuncion at iba pang volunteers na sina Jheloivy Albiso, Gerly Mae Atienza, Gloria Albiso, Leonila Paragoso, John Nataniel Talili, Dave Fabay, at Harvey John Talili.

Pinuntahan ang tatlong barangay at tatlong sitio sa Asuncion Municipality at Kapalong gaya ng Brgy Cabaywa, Brgy. Sagayen, Brgy. Sta. Filomena at sa mga sitio gaya ng Sitio Kasilak, Sitio Madgao, Sitio Alongan at mahigit 2,000 pamilya ang nabigyan ng mga relief goods, kaya sobra ang pasasalamat sa CC6 ng Mayor dito na si  Atty. Eufracio P. Dayaday, Jr..

Panawagan niya na sa lahat pa ng gustong tumulong o magbahagi ng mga relief goods, tumungo lamang sa kanilang tanggapan sa Asuncion, Davao Del Norte.

Sabi nga ng CC6 Online Casino/ Helping The Community bukas palad sila sa mga nangangailangan. “Dahil sa CC6 Rain, Rhen, Uulan ng Swerte at Tulong!” (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …