Thursday , September 19 2024
Korina Sanchez Maricel Soriano

Maricel ‘di na naghahanap ng makakasama sa buhay — I’m okay without a man

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ni Korina Sanchez kay Maricel Soriano para sa programa niyang Korina Interviews, natanong ang Diamond Star kung friends ba niya ang lahat ng naging karelasyon niya noon?

Ang mga naging boyfriend noon ni Maricel ay sina William Martinez, Richard Merk, Ronnie Rickets, at Cesar Jalosjos na   nagkaroon sila ng anak, si Sebastien, na ngayon ay 31 years old na. Naging asawa naman ni Maricel si Edu Manzano.

Tumango si Marya bilang oo sa tanong ni Korina, pero biglang natigilan at nag-dialogue ng, “Parang nagla-lie ako roon. Hindi. Hindi lahat.

“Isa lang, actually, ang hindi. Eh, hulaan niyo na lang kung sino. I cannot say the name.”

Paliwanag ni Maricel, “Pero majority of them okay ako sa lahat, except for one person.”

Hindi napilit ni Korina si Maricel na banggitin kung sino ang dating karelasyon na hindi niya naging kaibigan nang maghiwalay sila.

Siguradong hindi si Edu  ang tinutukoy ni Marya dahil hanggang ngayon ay friends pa rin sila kahit naghiwalay na. In fact, naging guest niya pa si Edu sa kanyang YouTube channel.

Hindi kaya si William ang tinutukoy ni Maricel? Napabalita kasi noon na dapat ay ang dating ka-loveteam ang kukuning kapareha ni Maria sa seryeng ginawa niya na General’s Daughter na pinagbidahan ni Angel Locsin, pero tinanggihan niya ito kaya si Albert Martinez na lang ang ibinigay na kapreha sa nasabing defunct series ng ABS-CBN.  

Galit nga ba si  Maricel kay WIlliam?

Sa ngayon after makipaghiwalay kay Edu ay hindi pa uit nakikipagrelasyon si Maria. Pero aniya, okay na ang buhay niya ngayon bilang single parent at hindi siya naghahanap ng bagong makakasama sa buhay.

I’m okay because I’m okay. Without a man in my life, okay lang ako,” sey ng premyadong aktres.

Wala akong panahon. Kasi gusto kong magtrabaho lang nang magtrabaho para sa mga anak ko naman,” aniya pa.

About Rommel Placente

Check Also

Cedrick Juan

Cedric Juan pumirma ng kontrata sa TV5

HATAWANni Ed de Leon PUMIRMA ng isang exclusive contract ang MMFF best actor na si Cedric Juan sa TV5 at sa Media …

Sarah Geronimo Mommy Divine

Sarah at Mommy Divine okey na okey na

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA naman at nagkabati na pala sina Sarah Geronimo at ang mga magulang …

Vilma Santos

Ate Vi hanggang Batangas lang, ayaw ng mas mataas na posisyon

HATAWANni Ed de Leon TALAGA nga bang nakaporma na si Vilma Santos para muling tumakbo sa Batangas?Iyon …

Rhian Ramos SV Sam Versoza

SV sa pagpapakasal nila ni Rhian: Lahat may tamang panahon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI kami nagmamadali. Ito ang tinuran ni Rhian Ramos nang …

MTRCB

Age appropriate ratings ipinalabas ng MTRCB sa mga pelikulang mapapanood sa big screen

INILABAS ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “mga rating na naaangkop sa edad” …