Friday , May 17 2024
Gillian Vicencio

Gillian Vicencio tuloy-tuloy ang suwerte, aarangkada ngayong 2024

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAPAPASOK pa lang ng taon, sobrang thankful na si Gillian Vicencio dahil sa mga project na natatanggap mula pa noong unang buwan ng 2024. Nariyan ang matagumpay niyang pagganap sa theater play na  Kumprontasyon na nagkaroon ng theatrical run noong Enero 18, 19, 20, 21 sa PETA Theater.

Kaya naman sobra-sobra ang pasalamat ni Gillian na malayo-layo na ang narating mila sa paggawa ng mga commercial, VTR’s and auditions nagbunga ang pangarap.

Unang nabigyang pagkakataon si Gillian para maipakita ang kaalaman sa pag-arte sa EERIE nina Bea Alonzo at Charo Santos. Siya ang gumanap na Erika Sayco, ang batang nagmumulto sa eskuwelehan na roon umikot ang kuwento ng pelikula.

Ani Gillian, “Noong time na ginagawa po iyong ‘Eerie’ talagang hindi ako isinasama sa mga promo, guesting, at kung ano-ano para hindi mawala ‘yung element of takot sa pelikula at kaya baguhang artista rin ang kinuha para sa role.”

Nasundan agad ito ng isa pang horror movie, ang Hellcome Home kasama sina Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing, at Beauty Gonzalez.

Nasa kuwadra ng Star Magic si Gillian Batch 2019 na inilunsad kasabay sina Belle Mariano, Anthony Jennings, Jeremiah Lisbo, JC Alcantara, at Kyle Echarri. Kalaunan ay pinasok din siya bilang isa sa orihinal na artistang aalagaan din ng Rise Studio Artists ni Mico Del Rosario under Star Creatives.

Taong 2020 nagbago ang ihip ng hangin dahil sa challenges na dumating sa kompanya—pandemic at kawalan ng prangkisa.

Siyempre po natakot ako, kami kasi kakapirma lang ng kontrata tapos ganoon ang nangyayari pero binigyan naman kami ng assurance ng management na hindi nila kami pababayaan. Nandiyan ‘yung mga digital show namin everyday na nahasa rin kami sa hosting at naipapakilala namin ang sarili sa ibang mga artist na aming nakakapanyam sa program na ‘We Rise Together Live.’

Tuloy-tuloy din noong time na ‘yun ang mga workshop online para hindi kami matengga at mangalawanag. Actually kung iisipin nga malaking tulong para sa mga ginagawa namin ngayon kasi parang equip kami sa mga present project na mayroon ngayon kaya bery thankful kami,” sabi pa ni Gillian.

Biggest break namang maituturing ni Gillian ang pagkakasama sa Four Sisters Before Wedding na  kasama niya sina Alexa Ilacad, Charlie Dizon, at Belle Mariano. Siya ang gumanap na Alex na naunang ginampanan ni Angel Locsin

Sa totoo lang, marami ang nakapansin sa portrayal niya rito dahil ‘ ka nga ng iba, para talaga siyang batang version ni Angel.

Hindi rin matatawaran ang ginawa ni Gillian sa Kargo na nanguna noong January 6, 2023 sa NETFLIXna nakipagsabayan din siya kahit baguhan sa veteran actress na si Rio Locsin. Isang thriller/drama ang tema ng pelikula.

Pagkaraan ay nasundan din ng isa pang digital series and movie noong kasagsagan ng BL theme. Napabilang siya sa Hello Stranger na gumanap bilang girlfriend ng character ni Tony Labrusca na isa sa mga main lead ng series at pelikula.

At mas minahal at mas nakilala si Gillian sa seryeng 2Good To Be True na gumanap siyang boyish friend na si Tox with Matt Evans and Yves Flores na mga malalapit na kaibigan ng character ni Daniel Padilla as Eloy. Dito mas nabigyang pansin siya dahil sa kakaibang pagganap at minahal ng mga manonood dahil nakitaan ng kilig ang tambalan nila ni Yves na si Red kaya at nabuo ang RETOX. Matapos ang serye ay nasundan ang proyekto nilang dalawa ng Retox 2be Continued na inabangan din ng mga tagahanga. 

Say ni Gillian, “thankful ako dahil unexpected ang chemistry namin. Nakita ng tao at maging ng production at kami  mismo ni Yves ay nagulat at natuwa nang masundan ang kuwento namin.“

Isa rin sa mga Beautederm Babies si Gillian na welcome na welcome sa CEO and founder nitong si Ms Rhea Anicoche-Tan.

Inilabas na ang ilan sa mga photo sa page ng Beautederm ang mga kuha ni Gillian at tuwang-tuwa sa kanya si Ms Rhea dahil aminado itong mula sa pagganap niya bilang TOX sa serye na 2Good To Be True at Four Sisters Before the Wedding ay napapanood na siya.

Kabilang din si Gillian sa mga ipinakilala na makakasama sa newest Filipino adaptation na Whats Wrong With Secretary Kim na pagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino under Dreamscape at VIU.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …