Friday , May 17 2024
Arrest Caloocan

Most wanted person ng Vale huli sa Kankaloo

NAARESTO ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police ang isang most wanted persons sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, Caloocan City ang presensya ng akusadong si alyas Romano na kabilang sa mga most wanted person ng Valenzuela City.

Kaagad bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong 7:00 sa Brgy. 175, Camarin, Caloocan City.

Ang akusado ay inaresto  sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur B Melicor ng Regional Trial Court Branch 284, Valenzuela City noong June 23, 2023, para sa kasong Murder.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Sipat Mat Vicencio

Tiyak na sibak si Sen. Bato sa eleksiyon

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung inaakalang manananalo pa siya …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …