Saturday , May 18 2024
PMPC

Pamunuan ng PMPC sa taong 2024 naihalal na, Rodel Fernando bagong presidente

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGHALAL na ng bagong pamunuan ang Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa taong 2024. Naihalal bilang bagong Pangulo si Rodel Fernando, habang Pangalawang Pangulo naman si Eric Borromeo.

Nakilala si Rodel sa mundo ng entertainment bilang artista, radio anchor, online show host at entertainment editor. Naging supervising producer at talent coordinator din siya ng ilang pelikula, TV shows, at live shows.

Naganap ang eleksiyon last Friday, Enero 12, 2024 sa opisina ng club sa Roces Avenue, Quezon City.

Ang iba pang nagwagi sa eleksiyon ay sina Jimi Escala (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Lourdes Fabian (Assistant Treasurer), John Fontanilla (Auditor), Leony Garcia at Glen Sibonga (Public Relations Officers).

Ang Board Members naman ay binubuo nina Joe Barrameda, Roldan Castro, Fernan de Guzman, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon.

Nangangako ang bagong pamunuan sa pangunguna ng bagong halal na Pangulo na si Rodel, na paiigtingin pa ang pagkilos para sa ikauunlad ng club. Asahan din ang mga makabuluhang proyekto na isasakatuparan ng naturang entertainment media group.

Nakatakdang ianunsiyo sa darating na mga araw ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyal. Ang PMPC ang namamahala at nag-oorganisa ng taunang Star Awards for Movies, Television, at Music.

About Nonie Nicasio

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …