MA at PA
ni Rommel Placente
IPINAGTANGGOL ni Lolit Solis si Janno Gibbs sa mga patuloy na bumabatikos sa aktor at sa pamilya nito. Ito ay may kaugnayan sa pagbabakasyon ng mga ito sa Japan matapos ang pagkamatay ng amang si Ronaldo Valdez.
Sabi ni Lolit, “Binibigyan malisya ng marami Salve iyon bakasyon ni Janno Gibbs sa Japan. Dahil kamamatay lang ng tatay niyang si Ronaldo Valdez gusto nila makita iyong grieving period ni Janno,”saad ni Lolit.
Ayon sa kolumnista, hindi naman porke hindi nakikita ng mga tao ang kanyang pag-iyak ay ibig sabihin hindi ito nagluluksa.
“Not because you did not cry means you are not sad. Sadness is in the heart, hindi kailangan lahat nakakakita. Even in a crowd, puwede kang malungkot na hindi alam ng mga kasama mo,” paliwanag pa ni Lolit.
Aniya, personal emotion ito ng isang tao at hindi naman kailangang malaman pa ng madlang pipol.
Sey pa ni Lolit, “For sure kahit nasaan pumunta si Janno Gibbs nasa puso niya ang ama na si Ronaldo.”
Dagdag pa ni Lolit, dapat daw ay patahimikin na si Ronaldo at huwag nang isali ang pangalan sa mga walang kuwentang isyu.
“Let him rest in peace. Huwag na natin gamitin pa ang pangalan niya para lang sa mga walang kuwentang issue. Let us respect his memory. Go Janno in your own way of grieving for your dad. Let us pray together for his soul. Amen!”