Friday , May 17 2024
Apple Dy Manang Medina Christine Bermas Micaella Raz

Bedspacer, Karinyo Brutal unang dalawang pelikula ng Vivamax na magpapakabog ng inyong mga dibdib

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAKABOG tiyak ang inyong mga dibdib sa bagong handog ng Vivamax, ang sexy psycho-thriller, Bedspacer na pinagbibidahan nina Christine Bermas at Micaella Raz. 

Iikot ang kuwento kay Janice (Christine) na tinatakasan ang isang eskandalo pero mapapasok sa mas matinding kapahamakan. Tahimik at may pagkamahiyain si Janice, pero nagkarelasyon sa kanyang titser. Nag-viral ang video nila kaya nagkaroon ng komprontasyon. 

At dahil sa kahihiyan, lumipat si Janice ng eakuwelahan. Gusto niya lang mapag-isa sa bagong eskuwelaha , pero napansin siya ng campus heartthrob na si Ryan (JD Aguas). Isinama niya ito sa kanyang mga kaibigan, pero naungkat ang kanyang viral video. Hiyang-hiya muli si Janice, pero may magtatanggol sa kanya – si Lexi (Micaella Raz).

Naging mag-roommate sina Janice at Lexi. Malakas ang personalidad ni Lexi, ibang-iba kay Janice, kaya naman iniidolo niya ito. Sa paghikayat ni Lexi, binago ni Janice ang kanyang pananamit at paggalaw. Kay Lexi rin siya natutong maki-party, gumamit ng droga at sumama sa kahit sinong lalaki. Umikot ang mundo ni Janice kay Lexi hanggang na-obsess siya rito at ginaya ang itsura nito.

Ito ay mula sa direksiyon ni Carlo Obispo, at kasama sa pelikula sina Matthew Francisco, Aria Bench, at Aila Cruz. Palabas na sa Vivamax ang Bedspacer.

Samantala, isa pang exciting Vivamax Original Movie ang aabangan sa pagsisimula ng taon, itonay ang kuwento tungkol sa sadistang pang-aakit at nakababaliw na pagmamahal – ang Karinyo Brutal na tampok sina Apple Dy, Armani Hector, Benz Sangalang, Maebelle Medina, Ghion Espinosa, atCaira Lee.

Pelikula ng multi-awarded at renowned director na si Joey Reyesang Karinyo Brutal ay kuwento ng isang babaeng bihag ng mapagmalupit niyang asawa at maghahanap ng tulong at pagmamahal sa bagong lalaking darating sa buhay niya.

Si Ariel (Armani Hector) ay lilipat sa apartment ng kanyang pinsan at dito ay mahihiwagaan siya tungkol sa bago niyang kapitbahay na si Cristine (Apple Dy). Magkakakilala ang dalawa nang magpatulong si Cristine kay Ariel na ayusin ang nasirang koryente sa apartment niya. Magiging malapit ang dalawa at ibubunyag din ni Cristine kay Ariel ang sikreto niya—na siya ang naging kabayaran ng tatay niya para sa malaking utang nila sa isang questionable businessman na si Edmund Lucero (Benz Sangalang) na ngayon ay asawa na niya.

Mapusok at sadistic ang pagtatalik nina Edmund at Cristine. Natatakot si Cristine kung anong pwedeng gawin ni Edmund kapag iniwan niya ito, pero mas natatakot siya sa pwede pa nitong gawin sa kanya kapag hindi pa niya ito hiniwalayan.

Panoorin ang Karinyo Brutal, streaming exclusively sa Vivamax simula sa January 12, 2024.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Inday Fatima Ana Ramsey Queenay

Inday Fatima, Ana Ramsey, Queenay mga bagong host ni Willie sa TV5

I-FLEXni Jun Nardo IPINAKILALA na ang tatlong female co-hosts ni Willie Revillame sa bago niyang game show …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …