Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Broken Hearts Trip

Direktor ng Broken Heart’s Trip nakiusap, unahin ang kanilang pelikula

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IGINIIT ni direk Lemuel Lorca na ang kanilang pelikulang Broken Heart’s Trip, entry ng  BMC Films and Smart Films sa Metro Manila Film Festival 2023, ay ginawa hindi para lamang sa LGBTQI+ community.

“It is meant for everyone who has fallen in love, experience heartbreak, in short, para sa lahat ito,” paglilinaw ng direktor sa ginanap na Thanksgiving and Christmas Party ng Broken Heart’s Trip kamakailan sa Center Stage Productions.

Kaya naman inaanyayahan niya ang lahat na panoorin ang kanilang pelikula para maiwasang matanggal agad sila sa mga sinehan.

It’s a known fact na kapag hindi tinangkilik o kakaunti ang mga nanood sa pelikulang kalahok sa MMFFsa una at ikalawang araw, tinatanggal na ito sa mga sinehan.  

“Alam naman natin kasi na kapag mahina ang pelikula sa first day eh, agad agad nila itong tinatanggal, sayang naman.

“Our film is really funny, lighthearted, entertaining, something that many deserve to enjoy,” dagdag ng direktor.

Sinabi naman ng isa sa bida sa pelikula na si Christian Bables, “Everyone involved in the film did their best to make it entertaining, fun. I just hope people would look at it without prejudice.”

“I’m really proud to be part of a film that celebrates our community. As long as I get to do my part in imparting the value and importance of gender equality in this day and age is enough for me,” sambit naman ni Iyah Mina.

Ang Broken Heart’s Trip ay ukol sa reality show na ang host ay si Christian at tampok ang limang contestant na mga sawi sa pag-ibig tulad nina Teejay Marquez, Marvin Yap, Petite, Iyah, at Andoy Ranay.

Binigyan sila ng challenge na kailangang hindi sila mainlab sa mga lugar na pupuntahan nila tulad ng Batangas, Cebu, Ilocos Norte, at Laguna. At ang judge sa show ay sina Tart Carlos at Jaclyn Jose

Mapapanood na ang Broken Heart’s Trip simula December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …