HUMARAP si Claudine Barretto sa mga press people sa Rembrandt Hotel kasama ang magaling na lawyer na sina Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Junelet Mataro at ang kanyang ama na si Mike Barretto.
Isa-isang ipinaliwanag ni Atty. Topacio na hindi droga ang itinuturok ni Claudine kundi glutathione at ‘yung isang ay para sa anti-allergy.
“Imposible naman na magturok ako ng drugs sa harap ng mga anak ko at sa publiko,” aniya.
Sinabi ni Daddy Mike ini-request niya kay Claudine na magpa-drug test nang tanungin ng aktres kung ano ang gusto nitong gift sa birthday niya noong September 29.
Buong ningning na pumayag ang aktres at negative ang resulta nito na ginawa sa Hi-Precision Diagnostics sa Del Monte Ave, Bgy. Sienna, QC.
Raymart, pinapa-drug test din
Hinamon ni Daddy Mike na magpa-drug test din si Raymart Santiago. Sabi pa niya, siya na raw ang magbabayad sa drug test ni Raymart dahil baka sabihin daw nito na pinagastos pa siya.
“Napapagod na ako,” bungad ni Claudine sa gulong nangyayari sa kanila ni Raymart Santiago.
“Matagal kong pinaghirapan ang pangalan ko para sirain lang ni Raymart Santiago,” bulalas pa ng aktres.
“It‘s hard for an actress to undergo drug tests. It‘s very humiliating,” sambit pa niya.
“Sana naiisip niya na nasa akin ang mga anak ko at anak niya rin. At habang salita siya nang salita ng masasakit tungkol sa akin na napapanood ng mga anak ko, sana ma-realize niya na sinisira niya ang pinaka- pundasyon para sa anak namin,” deklara pa niya.
Gretchen
at Marjorie, ‘di na raw niya kapamilya
Tinanong din siya sa away ni Claudine sa mga kapatid niya gaya nina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto.
“Like I said, hindi ko na sila pamilya. And sana palitan na rin nila ang apelyido nila,” sey niya.
Pagkatapos ng presscon, tumuloy si Claudine at ang kanyang lawyer sa Marikina-RTC para kasuhan si Raymart sa walang pahintulot na pagkuha ng ng video at larawan na hindi niya alam. Invasion of privacy daw ‘yun.
ni ROLDAN CASTRO