Thursday , June 4 2026
Paolo Contis Rhian Ramos

Rhian at Paolo nakabuo ng chemistry

RATED R
ni Rommel Gonzales

WALA kaming masyadong expectations sa pelikulang Ikaw At Ako noong una.

Nakapunta kami dati sa first shooting day ng pelikulang bida sina Paolo Contis at Rhian Ramos early this year pa at sa pakikipagtsikahan namin sa kanila, akala namin ay light romance ang movie.

Pero noong napanood namin a few nights ago ang pelikula sa premiere night nito sa SM Megamall sa imbitasyon ni Ms. Virginia “Lexie” Salmasan na executive producer ng Fraganto Productions,nagulat kami.

Malalim at may kabigatan pala ang pelikula na isa palang heavy drama.

Kasi nga, Paolo Contis na kilalang komedyante ng Bubble Gang at host ng Eat Bulaga! kaya akala namin hindi ganoon kadrama.

Maraming heavy drama scenes sa pelikula na nagpapakita ng conflict ng mag-asawa na nagsimulang magmahalan noong mga bata pa lamang sila hanggang sa umabot sila sa edad na sakit na ang kanilang kalaban.

Mahusay sina Rhian at Paolo, ipinakita nila na drama actors silang pareho. Kahit open book sa publiko na may masayang lovelife ang dalawa with their respective partners, nakabuo sila ng chemistry between them at ‘yung mga intense moment nila ng drama, drama kung drama naitawid nila ng mainam.

At ‘yung twist ng character ni Andrew Gan as Rhea, nakagugulat at nakaaaliw. Ang sarap panoorin ng isang straight na lalaki portraying a gay role na hindi overacting.

Sana palaging mabibigyan ng projects si Andrew, magaling siyang artista, guwapo pa.

Distributed ng Viva Films, palabas na sa mga sinehan ang Ikaw at Ako, sa direksiyon ng paborito ng Magpakailanman na direktor, ang “dahlin’” namin na si Rechie del Carmen.

Iba rin itong si direk Rechie, kung titingnan mo, chill lang siya, masayahin, pero nakaguhugot pala ng mga kadramahan sa buhay at naisasalin sa big screen.

Sana more movies from direk Rechie, huwag laging sa TV lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …