MATABIL
ni John Fontanilla
ANG sikat na grupong Ben & Ben ang isa sa favorite band at gustong maka- collab ng very talented singer na si Penelope.
Si KZ Tandingan naman ang singer na gusto nitong bigyan ng kanta.
Sampung taon nang magsimulang umawit si Penelope at ngayon ay nasa pangangalaga ng FlipMusic Records at ipino-promote ang kanyang debut single entitled Tag Ulan.
Noong Nov. 17 ini-release ni Penelope ang bagong kanta niyang Ako’y Sa ‘Yo samantalang ang Di Ka Nag-iisa ay sa Dec. 8 at ang Differences ay sa Dec. 15 na bahagi ng kanyang New Era album under FlipMusic Records.