I-FLEX
ni Jun Nardo
IPINAMBALA ng sikat na junior actor ang kanyang manager na ayaw nang gawin ang repeat ng nakaraan niyang show para sa inquiries sa abroad.
Kaya ang manager, kung ano-ano ang dahilan na ibinibigay sa inquiries para mapagtakpan ang totoo. Mas mabuti na sa manager na manggaling ang rason ng pagtanggi ng aktor at hindi sa kanya.
Eversince, ugali na junior actor na ang manager ang panangga niya sa projects na ayaw niyang gawin. Kapag kaharap mo ang aktor, smile lang siya na tipong aprubado.
Pero deep inside him, ayaw niya at kapag ayaw niya, walang makapipilit na gawin niya ang project kahit malaki ang bayad.
So si manager, todo ang tanggi at nauubusan na ng dahilan kung bakit ayaw ng kanyang talent ang isang project, huh!