Sunday , November 10 2024
marjorie Barretto Kier Legaspi Dani Barretto

Kier ipinagtaka paglayo ni Dani sa kanya

MATABIL
ni John Fontanilla

IPINAGPASA-DIYOS na lang ni Kier Legaspi ang tungkol sa problema nila ng anak niya kay Marjorie Barretto, si Dani Barretto.

Tsika ni Kier, “I’m just here, if you need me, ang relationship ko sa kanya, ipinasa-Diyos ko na lang.”

Matagal nang walang komunikasyon si Kier kay Dani. Nagtataka nga ang aktor dahil sa pagkakaalam nito ay wala siyang atraso sa anak.

Noong time nga na magkaproblema ito sa bahay nila ay sa kanya ito tumakbo at noong bumalik kay Marjorie ay naputol muli ang kanilang pag-uusap.

Dagdag pa ni Kier,  “Open ang line ko, I’m just here. Ito naman talaga ang obligasyon ng magulang na mahalin ang anak kahit anong  mangyari. 

“And take note, vice versa kahit naging masama o mabuti ang magulang mo rerespetuhin mo ‘yan, mamahalin mo ‘yan dahil kung wala ang magulang mo hindi kayo mabubuhay.”

About John Fontanilla

Check Also

Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen Hello, Love, Again

Kathryn at Alden gusto nang tapusin love story nina Ethan at Joy

MA at PAni Rommel Placente ILANG tulog na nga lang at showing na ang Hello, Love, …

Ralph Recto Luis Manzano Vilma Santos Ryan Christian

Vilma ‘di nababahala sa bintang nagsisimula ng political dynasty

HATAWANni Ed de Leon NATURAL galit na galit ang mga Vilmanian dahil ang daming naninira kay Vilma Santos. …

John Arcenas April Boy Regino

Pelikula ni April Boy bakit nga ba hindi nasali sa MMFF?

HATAWANni Ed de Leon MAY nagtatanong pa rin hanggang ngayon, bakit daw hindi pinapasok ng Metro …

Sexual Harassment

Sexual harassment noon at ngayon 

HATAWANni Ed de Leon TALAMAK ngayon ang sexual harassment. Basta nagkaoon ng umpukan, tiyak na …

Carl Balita Plataporma

Willie gustong usisain ni Dr Carl plataporma sa pagtakbo bilang senador

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISANG makabuluhang programa ang sisimulan ni Dr Carl Balita ngayong Biyernes, ang Plataporma na …