Friday , November 15 2024
Ram Castillo Merly Peregrino 2

Mommy Merly ipinakiusap pagtanggap kay Ram ng TAK members

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Thursday, October 26 ay inilunsad ang debut single ng WCOPA Champion na si Ram Castillotitled Naghihintay, na mula sa komposisyon ni Papa Obet ng Barangay LS FM.

Since Naghihintay ang title ng single ni Ram, ano ba ang hinihintay niya?

Ang hinihitay ko, ito, itong ngayon (launching ng kanyang single). At ‘yung nagkaroon ako ng manager na katulad ni mommy Merly Peregrino,” sagot ni Ram.

May nauna nang kumanta ng Naghihintay. Anong naramdaman niya noong una, noong nalaman niya na ire-record niya rin ang nasabing awitin?

Kinabahan ako. Kasi, hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ng mga tao, na ako na ‘yung kakanta ng ‘Naghihintay.’ Pero sobrang happy, kasi maganda naman ‘yung mga reaksiyon,” ani Ram.

In fairness kay Ram, maganda ang version niya, huh! Sabi nga ni Papa Obet, mas maganda ang version niya kaysa naunang kumanta ng Naghihintay. At kahit kami, mas nagandahan sa version ni Ram, sa totoo lang.

Si Martin Nieverra ang paboritong singer ni Ram. At kung mabibigyan ng chance, gusto niyang maka-collab ito.

Ano ba ang pinakapaborito niyang kanta ni Martin?

“’Yung ‘You Are My Song,’” sagot ng magaling na singer.

Speaking of Mommy MerlPeregrino, bago pala niya hinawakan si Ram, kinumbinsi niya muna ang Team Abot Kamay (TAK) community.

Sabi ni Mommy Merly, “Sa totoo lang, nahirapan ako bago ko napa-oo ang buong community. Sa sobrang dami ng iyak, dugo na lumabas sa aming mga mata, sa daming pinagdaanan ng TAK community, sa dami kong pinagdaanan, sobra akong nagpapasalamat kay God, dahil sobra akong mahal ng TAK community. Kapag ako ay nasasaktan, dobleng iyak sila.

“Sabi nila, ‘mommy, tama na ang pag-iyak. Ayaw na naming masaktan ka. Unang-una, matanda ka na mommy. Kung ang katumbas naman nito ay puro sakit ng kalooban, okey na kami, kahit wala ka ng alaga.’ 

Pero noong nakilala  ko si Ram Castillo, sabi ko, ‘mga anak kung gusto ninyo akong maka-recover, tanggapin natin si Ram Castillo, pagbigyan ninyo ako kahit ito lang, last na.’

“Ayaw pa rin nila. Sabi nila, ‘mommy baka masaktan ka na naman. Hindi natin kilala ‘yan, kung tagasaan ‘yan.

“Nakiusap pa rin ako, sinuyo ko pa rin sila.  Hanggang sabi nila, ‘sige mommy pagbibigyan ka namin.

“Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng chapter ng Team Abot Kamat,” sabi pa ng generouas at may mabuting kalooban na si mommy Merly.

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …