Thursday , June 4 2026
Wilbert Tolentino

Wilbert ipinaopera batang may bone tumor

MARAMI talagang mga Filipino ang hindi pinalad at nangangailangan ng tulong.

Magmula nang inilunsad ang FB public service program ng social media influencer na si Wilbert Tolentino na Dear Wilbert ay hindi na tumigil ang mga sulat na dumarating na dumadaing at naglalambing ng ayuda at tulong kay Ka-Freshmess.

Sa  4th episode ng Dear Wilbert ay isang magulang ang madamdaming sumulat para ihingi ng saklolo ang kanyang anak na lalaki.

Bata pa ang anak ng letter sender nang nalaman nila mula sa isamg surgeon na ito pala ay tinamaan ng bone tumor.

Ang akala kasi ng letter sender ay simpleng pagkakadapa lang ang nangyari sa kanyang anak kaya ipinahilot na muna ito ngunit sa huli, nang hindi pa rin gumagaling ay kumonsulta na sila sa espesyalista at nalamang may crack ang buto.

Sa sulat ng letter sender kay Wilbert, binanggit niya na kakailanganin niya ng P75k upang maipagamot ang kanyang anak na lalaki.

Gaya ng ating national hero na si Jose Rizal ay naniniwala si Wilbert na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan kaya naman naantig siya sa hinaing ng magulang at nangako na bibigyan niya ng P75K ang letter sender bilang tulong sa pagpapagamot ng anak na nabalian ng buto sa paa.

Binanggit din ni Ka-Freshness na ilalapit niya ang problema ng letter sender sa isang organisasyon na Ahon Mahirap para lalo pa itong maayudahan.

Prayers lang na good health ang hiling ni Wilbert upang marami pa siyang matulungan.

Tuloy-tuloy ang pagtatampok ni Wilbert ng mga bagong istorya sa Dear Wilbert na patuloy na nagte-trending sa socmed.

Sa mga taong nais na dumulog at ihinga ang kanilang problema sa Dear Wilbert, makipag-ugnayan sa FB Page ni Wilbert Tolentino, makipag-ugnayan sa FB admin at ilahad ang inyong istorya.

Abangan ang mga susunod pang nakalulungkot na istorya sa Dear Wilbert na agad na magbibigay ng ayuda si Ka-Freshness kasama na rin ang kanyang words of wisdom upang patuloy na harapin at labanan ang mga hamon sa buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …