Thursday , January 2 2025
Francis Tolentino Richard Bachmann
KAPUWA nagalak sina Senador Francis “Tol” Tolentino (kaliwa), ang prime mover ng ROTC Games at PSC Chairman Richard Bachmann, Guest of Honor at Speaker sa matagumpay na pagtatapos ng apat na qualifying legs sa closing ceremony sa Ninoy Aquino Stadium. (HENRY TALAN VARGAS)

Bachmann at SenaTol, masaya sa tagumpay ng ROTC Games qualifier

IKINATUWA nina Senador Francis “Tol” Tolentino at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann na makamit ang obhektibo sa isinagawang apat na qualifying legs, simbolo ng matagumpay na pagsasagawa sa unang edisyon ng Philippine Reserve Officers Training Corps (PRG) Games.

Nagpasalamat sina Tolentino at Bachmann sa tagumpay ng apat na qualifying legs sa pagtatapos ng huling leg sa NCR habang agad naghahanda ang organizing committee para sa pagtatanghal ng National Finals na gaganapin sa 22-27 Oktubre sa Rizal Memorial Sports Complex.

“As we have reached the last leg of regional qualifiers and brace up to the national finals on October 22 to 27, I firmly believe that these victorious regional legs were a great testament to both Senator Tolentino and the PSC’s dedication to fortify discipline among our young talents,” sabi ni Bachmann na siyang Guest of Honor at Speaker sa closing ceremonies ng NCR leg sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang ROTC Games, naglalayong palakasin ang pagkakaisa at disiplina ng mga kadete sa military sa buong bansa, ay nagsimula sa Visayas leg noong 13-19 Agosto sa Iloilo City at sinundan ng Mindanao leg noong 27 Agosto hanggang 02 Setyembre sa Zamboanga City at Luzon leg noong 13-23 Setyembre sa Tagaytay City.

“These games are not merely competitions, they are a reflection of the dedication, determination and teamwork that our ROTC cadets demonstrate day in and day out. To our cadet-athletes, may this tournament mold you more better in exemplifying the spirit of camaraderie and teamwork – the qualities you can embody both in sports and military service,” dagdag ni Bachmann.

Inamin ni Senador Tolentino, prime mover ng ROTC Games, nakararanas sila ng ilang kahirapan kabilang ang mga problemang logistical sa nationwide competition na nilahukan ng mga kadete mula sa Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Air Force sa buong bansa.

“Kahit dumaan din tayo sa ilang problema pati na sa logistics, pero malalampasan natin lahat ito. Dadalhin natin ang mga winners mula sa Visayas at Mindanao dito sa Maynila para ipakita natin sa buong bansa na buhay na buhay ang ROTC,” sabi ni Tolentino.

Nagtala ang Army Cadet-athletes sa pagwawagi ng kabuuang 20 ginto, 20 pilak, at 16 tanso dahil marami silang inilahok habang ang Air Force ay sumalipawpaw sa 15-15-11 ginto-pilak-tanso at ang Navymen ay masigasig na nilambat sng 14 ginto, 14 pilak at 14 tanso sa dulo ng NCR leg.

Inihayag ni Tolentino, pinaplano nilang isagawa ang opening ceremonies ng National Finals sa makasaysayang Quirino Grandstand sa Maynila.

Kinompirma ni Tolentino, ang paglipat ng venue para sa national finals mula sa orihinal na plano sa Marikina City patungo sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz St., Malate, Maynila sa mula 22 hanggang 27 Oktubre.

Ang ROTC Games ay isang kolaborasyon sa pagitan ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines gayondin ng Philippine Sports Commission at Commission on Higher Education. (PCO Public Communications Office).

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …