Thursday , June 4 2026
Ria Atayde Lorna Tolentino Sylvia Sanchez Monster

Japanese film na Monster nakaiiyak, nakadudurog ng puso

MA at PA
ni Rommel Placente

ISANG malaking tagumpay ang Red Carpet Celebrity Screening ng Japanese film na  Monster

Siyempre, present doon ang distributors ng pelikula sa ‘Pinas na sina Lorna Tolentino at mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde ng Nathan  Studios.

Dumalo rin sa  event ang mga celebrity friends nila na sina Bayani Agbayani, MC Muah, Alma Concepcion, Ynez Veneracion, Mon Confiado, JK Labajo,Ara Mina, Angel Aquino, at Ogie Diaz.

Present din doon ang mister ni Ibyang na si Papa Art Atayde at kanilang dalawa pang anak na sina Gela at Xavi. Naroon din ang publicist ni Ibyang na si Chuck Gomez.

In fairness, ang ganda ng istorya ng Monster. Naiyak kami while watching it, ganoon din sina Ibyang, Ria, at LT. Dinurog ng pelikula ang mga puso namin.

Umiikot ang istorya ng Monster sa isang pamilya na humaharap sa pagsubok laban sa pambu-bully at isinusulong nito ang kahalagahan ng malusog na pag-iisip o ng mental health. 

Sabi ni Sylvia tungkol sa Monster,” Isa na ito sa pinaka-magandang mga pelikula na napanood ko. Mapapa-isip ka talaga kung sino ba talaga ang monster.”

Ipinaliwanag naman ni Sylvia kung ano ang goal ng Nathan Studios sa pagpo-produce ng mga pelikula.

Maraming nagtatanong kung ano ba ang goal ng Nathan Studios sa pagpo-produce ng pelikula. Ang goal po namin is mag-produce ng sarili  nating pelikula rito sa Pilipinas, kasi naniniwala ang Nathan Studios na maraming magagaling na mga aktor na hindi nabibigyan ng chance. Gusto naming i-showcase abroad ang mga aktor  na ‘yun. At the same time, pipili rin kami ng mga pelikula sa ibang bansa na alam namin na tatanggapin o tatangkilikin ng mga Pinoy gaya nga po nitong ‘Monster,’”aniya pa.

Showing na sa October 11 ang Monster in all cinemas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …