Saturday , November 16 2024
Carla Abellana

Carla iginiit loyalty sa GMA7, paglipat malabo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPASO noong Mayo 2023 ang kontrata ni Carla Abellana sa GMA 7 kaya hindi hindi nakaligtas ang itinuturing na drama goddes na mabalitang posibleng lumipat ng ibang network.

Kaya naman sa pagpirma ni Carla ng kontrata bilang pinakabagong alaga ng All Access to Artists (Triple A) na siya ring nangangalaga kina Marian Rivera at Maine Mendoza, napag-usapang ang mga bali-balitang paglipat ng ibang bakuran. 

Ani Carla, “‘Yung akin pong kontrata sa GMA, nag-expire noong May. So, medyo matagal na rin pong expired, four months.

“Baka roon nagsimula. Siguro, dahil question mark pa rin, parang kumbaga, nag-expire ang aking network contract, Wala pang renewal.

“Of course, wala pa pong signing or anything. Kaya siguro may mga nakakasingit (balitang paglipat) kasi question mark pa rin.

“Kumbaga, wala pa tayong masasagot. Kasi it’s the truth naman na wala naman akong pinipirmahan pang kontrata with any network,” paliwanag ng aktres na fresh na fresh ang hitsura nang humarap sa entertainment press.

Iginiit ni Carla na Kapuso pa rin siya. “Ang priority ko ngayon, ang negotiation ko na network contract basically.

“Of course, kagaya noong nabanggit ko. Nag-expire na ang aking GMA contract noong So, ‘yun ang pinaka-priority ko sa ngayon.

“Because ‘yun ‘yung trabaho ko talaga. That’ my home network. I value that so much, kasi ‘yun ang aking regular job, that’s my home network. So, roin talaga ako naka-focus sa ngayon,” sambit pa ng drama goddess.

Ever since naman, Kapuso po ako, 14 years na po.

“Of course, I would love to stay. My loyalty is with GMA. Sino ba naman po ang hindi gusto mag-stay, ‘di po ba? Nandiyan na, eh. ‘Yun na po, eh, ‘yun na po ‘yung buhay ko.

“Siyempre, kilala mo na ang lahat na taong nandiyan. Nandoon na ‘yung trust. Nakapag-build na po ng family diyan.

“So, siyempre, ‘yun ‘yung gusto ko. ‘Yun ‘yung wish ko. ‘Yung priority ko na mag-stay sa home network,” giit Carla.

Ukol naman kay Tom Rodriguez, napatawad na niya ito.

Nahanap ko na ‘yung aking peace, ‘yung talagang naisara ko na ‘yung chapter na iyon ng aking buhay. Lagpas-lagpas pa, kumbaga, sa pagmu-move on. So, masayang-masaya.

“Definitely masaya ako ngayon sa buhay ko. I’m happy where I am pati sa kung sino ako today.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …