I-FLEX
ni Jun Nardo
NANAWAGAN si Sharon Cuneta sa kanyang mga kaibigan at kababayang Pinoy sa Amerika na panoorin ang movie ng anak na si KC Concepcion na Asian Persuasion.
Ini-repost pa na ni Shawie sa kanyang Instagram ang poster ng movie at sinabing, “God be with you, anak. Please take care of yourself.”
Sa post ni Shawie, sinabi niyang sold out na ang tickets sa September 16 world premiere pero puwede pang bumili ng tickets sa September 1 showing.
Nagkomento si KC sa panawagan ni Sharon na panoorin ang unang Hollywood movie ng anak. “Like I always tell you mama, tho I’m not perfect, everything I do is for you.”
Mag-ina pa pa rin sina Sharon at KC kaya mananatili ‘yon kahit anong sigalot ang mangyari sa kanila.