I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGBABALIK bilang director ang star-builder na si Johnny Manahan sa bagong show ng GMA na The Voice Generations na nagsimula kahapon.
Ang The Voice Generations ay ang unang TV show ni Manahan bilang director sa GMA bukod sa pagiging consultant niya sa Sparkle GMA Artist Center.
Of course, habang nasa Star Magic noon, nagdirehe na rin si Manahan ng ABS-CBN shows.
Ayon sa interview kay Johnny sa Kapuso showbiz news, hindi niya natanggihan ito nang alukin siya.
“Nakahihiya naman kung tanggihan ko. Natutuwa ako dahil kasama ko rito ang dating kasama. Today, wee’ll have new twist dahil generations ito. We’ll see, we’ll see,” sambit ni direk Johnny.
Kaabang-abang din sa show ang labanan ng coaches na kinabibilangan nina Billy Crawford, Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, Julie Ann San Jose, at Snell ng P-Pop band na SB19.