Friday , November 15 2024

Sa Taguig-Makati territorial dispute
FINAL RULING NG SUPREME COURTSELF-EXECUTING
Writ of Execution hindi kailangan

082523 Hataw Frontpage

NANINDIGAN ang Taguig LGU na hindi na kailangan ang Writ of Execution para ipatupad ang paglilipat ng mga barangay na ayon sa Korte Suprema ay sakop ng hurisdiksiyon ng Taguig

Sa isang statement, inalmahan ng Taguig ang “initial assessment” na inilabas ng Office of the Court of Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan.

Sa isang statement, iginiit ng Taguig LGU na walang legal na puwersa ang inilabas na opinyon ng OCA at hindi rin ito maaring gamiting batayan para iantala ang  paglilipat ng mga barangay mula sa Makati patungo sa hurisdiksiyon ng Taguig.

“Being a mere opinion, this statement does not have the force of law and does not bind Taguig,” pahayag ng Taguig LGU.

Dagdag nito, ang opinyon na inilabas ng OCA ay hindi na sakop ng kapangyarihan nito dahil hindi ito bahagi ng routine administrative matter na dapat pangasiwaan sa mga trial court.

“The matter relating to Taguig exercising its rights as the winning party involves a judicial adjudication. It is definitely not a “routine administrative matter,” giit ng Taguig LGU.

Taliwas umano ang opinyon ng OCA sa nature at tono ng mismong desisyon na inilabas ng Korte Suprema na self-executing.

“The opinion thus unfortunately encourages delay and even defiance, instead of respect and immediate voluntary compliance, with  final and executory judgments of the Supreme Court,” giit ng Taguig.

“Tinukoy ng Taguig ang prinsipyong inilatag ng Korte Suprema sa kaso ng  Camarines Norte vs Province of Quezon. Sa nasabing kaso, pinuri ng korte ang COMELEC, DBM, DOF at DENR sa pagkilala nito sa desisyon ng hukuman na nagsasabing sakop ng Camarines Norte ang siyam na barangay mula sa Quezon. Kasabay nito, pinatawan ng korte ng contempt ang mga opisyal ng Quezon Province dahil sa pagbalewala sa inisyu nilang final decision.

Dahil dito, pursigido ang Taguig na maghain ng legal remedy para igiit ang kanilang karapatan salig sa desisyon ng korte at ng itinatakda ng batas

“Taguig shall pursue all legal remedies against those who act to frustrate, obstruct, delay, or defy and contribute to or abet the defiance or delay in the implementation of the Supreme Court’s Decision,” saad sa inilabas na statement ng Taguig.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …