Monday , December 23 2024

Mayor Abby lumabag sa kasunduan kay VP at DepEd Secretary Sara

082323 Hataw Frontpage

HANDS OFF dapat ang Makati City sa mga EMBO Schools kasunod ng ipinalabas na order ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ngunit ilang guro ang nag-ulat ng paglabag ng lungsod sa kautusan.

Ilang guro mula sa mga paaralan ang nagpaabot ng kanilang report ng paglabag ng Makati City sa order ni Duterte kabilang rito ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati LGU sa Pitogo High School. Ang nasabing school supplies ay ipina-deliver sa pamamagitan ng courier service delivery ng Makati.

Ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati City ay tinanggihan ng mga guro dahil batid nitong dapat may kautusan muna mula sa DepEd.

Patuloy rin ang paglalagay ng mga bagong tarpaulin sa mga EMBO schools na nakasaad na: “This Property is owned by Makati City.”

Ang General Services Department din ng Makati City ay nagtutungo sa EMBO schools para tingnan at i-tag ang mga properties sa loob ng paaralan.

Matatandaan, sa hangarin na maalis ang tensiyon sa pagitan ng Makati at Taguig, nagpalabas ng Memorandum No 23-2023 si Vice President Sara Duterte na nag-uutos na ilagay sa direct authority ng Department of Education (DepEd) ang 14 public schools na nasa Enlisted Men’s Barrio (EMBO) barangays.

Sa ilalim ng nasabing memorandum, ang DepEd Central Office ang may direct supervision sa management at administration habang hindi pa natatapos ang transition plan para sa paglilipat sa Taguig City ng mga EMBO schools na kinabibilangan ng Makati Science High School, Comembo Elementary School, Rizal Elementary School, Pembo Elementary School, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School, Tibagan High School, Fort Bonifacio Elementary School, Fort Bonifacio High School, Pitogo Elementary School, Pitogo High School, Cembo Elementary School, East Rembo Elementary School, West Rembo Elementary School, at South Cembo Elementary School.

               “Hence, in pursuit of protecting the best interest and welfare of our learners, teachers, and non-teaching personnel, the Office of the Secretary shall directly supervise the management and administration of all 14 schools, pending a transition plan, effective immediately,” nakasaad sa memo.

Nakapaloob din sa memo na habang nasa transition period, ang lahat ng kilos ng Makati at Taguig LGU ay may pahintulot mula sa DEped Office of the Secretary.

“During the transition period, all activities to be conducted within the premises of and/or in relation to the subject public schools, including those from the Local Government Units of Makati and Taguig, shall require prior approval from the Office of the Secretary (Osec). Further, the concerned school heads shall directly report and defer to the Office of the Secretary on matters pertaining to the daily operations of the subject public schools,” ayon sa memo.

Sinabi ni DepEd Spokesman Michael Poa, kinikilala ng DepEd ang kautusan ng Korte Suprema na nagtatakda na ang EMBO schools ay nasa ilalim ng legal na hurisdiksyon ng Taguig City gayonman dahil hindi pa nareresolba kung sino ang nagmamay-ari ng school buildings, kailangan nang bumalangkas ng transition plan.

Una nang sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na dapat bilhin o rentahan ng Taguig ang mga school buildings kung nais nitong makompleto ang paglilipat ng EMBO schools sa Taguig.

Kabilang sa reresolbahin ng Transition Committee ay kung sino ang magbabayad ng utilities at security ng mga paaralan gayondin ang iba pang gastusin pero habang wala pang pinal na plano, ang DepEd muna ang aako ng operating expenses ng mga apektadong paaralan sa pamamagitan ng kanilang contingency plan.

Una nang sinabi ng Taguig City na suportado nito ang hakbang ng DepEd para sa smooth, orderly, at  peaceful transition para sa administrasyon ng mga paaralan patungo sa kanilang lungsod. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …