Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic, inalok na ng kasal si Pauleen!

INAMIN sa amin ng isang reliable soure na totoo ang lumabas na balitang inalok na ng kasal ni Vic Sotto ang girlfriend niyang si Pauleen Luna. Tumanggi lang daw si Pauleen dahil hindi pa siya handang lumagay sa tahimik. Gusto muna niyang i-enjoy ang pagiging single.

Kung ganyang inalok ng kasal ni Bosing ni Vic si Pauleen, iisa lang ang ibig sabihin nito, na talagang mahal ng una ang huli, ‘di ba?

At hindi rin pala totoo na hindi naniniwala sa kasal si Bosing. Siguro kaya hindi niya lang napakasalan ang isa sa mga nakarelasyon niya noon na sina Coney Reyes, Cristine Jacob, at Pia Guanio ay dahil nauwi rin sa wala ang paki-kipagrelasyon niya sa kanila.

Kung hindi tinanggap ni Pauleen ang alok na kasal ngayon ni Vic, sa susunod na taon kaya kung sakaling alukin siya nito muli ng kasal ay tanggapin na niya? May maganap na kayang kasalan sa dalawa next year? ‘Yan ang ating aabangan.

Echo at Heart, magsasama sa isang pelikula

PUMIRMA si Jericho Rosales ng kontrata sa Viva Films para sa tatlong pelikulang gagawin niya rito. Ang una niyang proyekto sa nasabing movie outfit na pag-aari ni Boss Vic del Rosario ay pagsasamahan nila ni Andi Eigenmann na si Direk Mark Meily ang magdidirehe na unang nakatrabaho ni Echo sa unang pelikula niya sa Viva na Baler.

Viva contract artist din ang ex-girlfriend ni Echo na si Heart Evangelista. Paano kung may offer sa kanilang pelikula ang Viva together since pareho silang nakakontrata, tanggapin kaya nila ito o tanggihan?

Hindi kasi naging maganda ang paghihiwalay nila, ‘di ba?

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …