PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
USAP-USAPAN pa rin ang bonggang GMA Gala Night.
Sa bakuran na lang ng Kapamilya, halos papuri ang sinasabi ng mga ito na dumalo gaya nina meme Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario, at Vhong Navarro pati na ng mga boss nilang sina Ms Cory Vidanes at Mr Carlo Katigbak.
Proud ang mga ito sa pagkukuwento na naging mas makabuluhan sa kanila ang usaping collaboration and that in the future ay mas marami pang mga artista ang parehong networks ang makikitang magkakasama sa trabaho man o sa mga personal na events.
Although may mga issue pa ring hindi nare-resolve gaya ng usapin nina Vice at Jessica Soho na naniniwala ang marami na best healer ang “time”.
For now, mukhang matutuloy na rin ang matagal ng kapwa dream nina Vice Ganda at Bitoy (Michael V) na magkasama sila sa Bubble Gang na every Sunday na napapanood.