MARAMING papuri ang natanggap ni Tuesday Vargas sa kanyang indi film na Ang Turkey Man ay Pabo Rin na idinirehe ni Randolph Longjas na bahagi ng CineFilipino Film Festival.
Ayon sa reviews, sobrang nakatatawa and loveable raw ang movie na nagpapakita ng mga nakatutuwa at nakaaaliw na kultura ng mga Pinoy. Natural na natural daw ang pagkaka-deliver ng mga punches at talaga raw napakaraming hilarious scenes.
Kung ilang beses ka nga raw tatawa sa pelikula but in the end ay napaka-touching daw nito. Well, for sure ay overwhelmed si Tuesday sa magagandang reviews sa movie lalo pa nga’t ito ang biggest break niya so far.
Say nga niya, talaga raw sobrang thankful niya na pinagkatiwalaan siya ng direktor at producer para sa naturang proyekto.
Dinugo rin naman siya nang husto sa pelikulang ito at ibinigay din niya ang lahat ng makakaya.
Maricris Valdez Nicasio